Ang mataas na talent fee ng male singer na ito ang dahilan kung bakit hindi na siya makakuha ng bookings sa ibang bansa.
Ayon sa aming source na kilala ang kinuhang agent ng male singer, na hirap itong makakuha ng bookings para sa kanyang clieÂnt dahil sa taas nang sinisingil nitong taÂlent fee.
Hindi na nga raw nagpapatong ang naturang agent dahil sobrang taas na ang original na talent fee ng male singer. Kung gusto niyang kumita sa male singer, ang sales na lang ng tickets nito ang kanyang kinukunan ng porsiyento.
Kaso nga lang, tatlong shows na raw ang tumangÂgi sa male singer. Masyado raw overpriced ito para sa isang “old singer†at magbabayad na lang daw sila sa mga baguhan na hindi pa mataas ang talent fee, makakahatak pa ng younger and fresher crowd.
Kaya ang male singer, problemado dahil wala ngang kumukuha na sa kanÂya at masyadong mataas ang pride nitong magbaba ng presyo niya.
“Kung hindi siya mag-lower ng kanyang fee, wala siyang makukuhang work talaga.
“With the bad economy sa U.S. ngaÂyon, masuwerte ang iba na nakaÂkakuha ng bookings at pinapasok ang shows nila. Kasi nagbababa sila ng price nila.
“Eh itong si male singer, akala niya he’s still hot stuff in the U.S. Eh ang mga show producers ngaÂyon, mga bata na ang priority. ‘Yung iba hindi na siya kilala. Regarded na siya as old-timer na sa standards nila.â€
Inabisuhan na ng agent si male singer na mag-concentrate na lang siya sa Pilipinas dahil dito raw ay may mga napapaikot pa siyang producers.
Sa U.S. daw ay hindi na siya kakagatin unless ka-level niya ang mga datihang singers doon na kilala ng marami at willing maglabas ng pera to watch their show.