Zanjoe interesado pa sa asim ni Pokwang

Nagbabalik tambalan sina Pokwang at Zanjoe Marudo sa pelikulang My Illegal Wife, isang nakakalokang family comedy.

Ayon sa dalawa, super saya sila sa set at laging nagtatawanan at okey lang na mag-adlib kung saan pinabayaan sila ni Direk Tony Reyes.

Sa aming tanong kay Zanjoe na kung pwede ba siyang ma-in love kay Pokwang sakaling walang Bea Alonzo sa kanyang buhay dahil inaming may asim pa ang komedyana: “Oo naman puwede akong ma-in love kay Pokwang dahil napakaseksi niya at maganda pa ang ugali. Mahal nito ang kanyang pamilya. Hindi lang siya maganda kundi mabait pa kaya nga maraming nanliligaw sa kanya,” sey ng aktor.

Sa kabilang banda, puring-puri rin ni Pokwang ang kanyang leading man.

Anang komedyana “Lalaking-lalaki si Zanjoe at maalalahanin pa.”

Ang My Illegal Wife ay tungkol sa mapagmahal na single mom na si Clarise, na gagawin ang lahat upang mapaligaya ang pamilya. Si Zanjoe naman ay gumanap na si Henry na may amnesia kung saan nagpanggap si Pokwang na kasal na sila at legal na mag-asawa.

Palabas na ito sa June 11 mula sa Skylight Films.

‘Di pa handang mag-propose kay Bea

Inamin ni Zanjoe na hindi pa siya handang mag-propose kay Bea Alonzo dahil pinag­hahandaan niyang mabuti ang bubuoing pamilya. Gusto niya kapag nakasal ay handa na siyang maibigay ang magandang kinabukasan sa asawa at magiging anak.

Compatible naman sila sa mara­ming bagay kaya nagkakasundo.

“Walang saktong panahon kung kailan kami magpapakasal. Basta’t ang mahalaga ‘yung handang-handa na kami,” aniya.

Kung abala ang aktor sa My Illegal Wife, abala naman si Bea sa kanyang Sana Bukas pa ang Kahapon katambal si Paulo Avelino.

Show comments