Nakapanayam ng Push.com (online entertainment website) ng ABS-CBN si Claudine Barretto hinggil sa saloobin niya tungkol sa pagkalat ng maÂling impormasyon na namatay na siya dahil sa drug overdose.
Ayon kay Claudine ay hindi raw biro ang false alarm na balita dahil maraming fans ang nag-alala para sa kanya.
“Siyempre unang-una, hindi siya joke, hindi magandang joke. Meron akong fans na na-heart attack at na-stroke.
“Saka my dad, wala siya ngayon dahil na-high blood siya saka nagpa-palpitate pa siya up to now dahil sa balitang ‘yun,†sabi ni Claudine sa panayam.
Kasabay nito ay nakiusap ang aktres sa mga nagpakalat ng maling balita.
“Sana naman po huwag naman po kayong ganyan kung sinuman po ang nagkakalat niyan. Siyempre humingi na rin kami ng tulong sa CIDG para ma-trace at medyo alam na po namin kung saan nanggagaling,†Claudine was quoted to have been said.
When asked kung sino sa tingin niya ang may pakana sa pagkalat ng balitang ito, aniya ay mga kalaban.
“Siyempre kalaban, pero alam mo ayaw ko na lang mag-name ng names. Pinapahaba lang nila ‘yung buhay ko, bahala na ang Diyos sa kanila kasi may karma naman eh. Saka sabi nila kapag sinasabi daw na ganun mas humahaba raw ang buhay.
“Basta ako ngayon gusto ko positive lang lahat, ayaw ko ng negative, kasi my kids are so good and they are good kids talaga at nakakahiya talaga to be miserable, depressed around them so I am trying my best to be the best mom.â€
Sa totoo lang, nakalulungkot ang mga nangyayari sa buhay ni Claudine ngaÂyon. Parang kailan lang ay nasa rurok siya ng tagumpay at napakapositibo ng lahat ng nangyayari sa kanya.
Sa isang iglap ay nawala lahat ‘yun - magandang career, asawa at pati na ang mga kapatid.
Sa kanilang tatlong magkakapatid, mas malaki ang nawala kay Claudine dahil siya ang may pinakamagandang career noon sa kanila, bukod pa nga sa siya ang may buong pamilya that time at legal na pinakasalan ni Raymart Santiago.
Sayang talaga.
Jennylyn nominado sa pagka-kontrabida
Nominated si Jennylyn Mercado sa dalawang kategorya sa Yahoo Celebrity Awards this year – Female Kontrabida of the Year for her feisty role as RoÂxanne for her teleserye Rhodora X at Love team of the Year with Mark Herras.
‘Yun nga lang, may mga fans na nagre-react kung bakit inilagay siya sa Kontrabida category gayung bida siya sa Rhodora X.
Pero ang iba namang fans ay positibo at sinasabing convinÂcing kasi ang pagganap ni Jen bilang bad Roxanne sa serye.
Kalaban ni Jen sa Kontrabida of the Year category sina Andi Eigenmann, Jackie Rice, Kaye Abad, and Maja Salvador.
Sa Love team of the Year naman ay kalaban nila ang Kathniel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla), Sharlene-Nash (Sharlene San Pedro and Nash Aguas), Tom-Den (Tom Rodriguez and Dennis Trillo) and ViceRylle (Vice Ganda and Karylle).
Nagsimula na ang botohan kaya sa mga fans ni Jen, boto na para magwagi ang inyong idolo.
Bea todo promote ng illegal wife
Natutuwa naman sina Pokwang and Zanjoe Marudo na sobÂrang suportado ni Bea Alonzo ang My Illegal Wife at panay ang post ng aktres sa Instagram na panoorin ang movie.
Kuwento nga ni Zanjoe, aliw na aliw daw ang girlfriend sa trailer ng movie lalo na nang gayahin siya ni Pokwang sa She’s the One sa eksenang ‘girl in the rain’.
Hindi lang She’s the One ang spoof na mapapanood sa My IlleÂgal Wife kundi marami pa, at siyempre kabilang dito ang seryeng The Legal Wife na siyang pinaghanguan ng titulo ng movie.
Say ni Pokwang, pati nga raw sina Kathniel ay ginaya nila sa movie.
Directed by Tony Y. Reyes, showing na sa June 11 ang comedy film na My Illegal Wife.