Alex walang alam sa sariling show

Kailan kaya pakakawalan ni Kuya ang kanyang house guest sa ongoing rea­lity show, Pinoy Big Brother (PBB) All in, na si Alex Gonzaga?

Hayan tuloy, walang ideya si Alex na in the initial telecast ng The Voice Kids, which she co-hosts with Luis Manzano, Saturday, it garnered a rating of 33.3 percent. Sunday tumaas ang rating to 35.8 percent.

Toni mukha raw mamamalengke lang

Of Alex’ elder sister, Toni, who hosts PBB All in, bulong sa amin ng aming assistant na si Jean Tandel: “Wala bang hair and fashion stylist ’yang si Toni?

‘‘Aba sa ayos niyang iyan (this was Wednesday evening), para bang mama­malengke siya sa Nepa Q.’’

Nepa Q (market) is where namimili si Jean ng kanyang iniluluto araw-araw. Mura raw kasi ang mga bilihin doon.

Bamboo walang planong pasalihin sa Voice Kids ang anak

Hangang-hanga si Lea Salonga sa mga batang participants sa The Voice Kids. Ang gaganda raw ng boses at ang titibay ng loob.

Sayang at noong nakaraang presscon for The Voice Kids, hindi naka-attend si Lea. Tanging sina Bamboo at Sarah Geronimo lang ang present.

Otherwise, naitanong sana sa kanya ng mga entertainment press na present kung papayagan niya ang kanyang unica hija, who, halata na at her age, has the singing and acting talent of her mom, makasali in The Voice Kids.

Well, nang ibato nga pala ang tanong kay Bamboo, ang matinding sagot ng kilalang rocker: ‘‘No, I don’t think so.’’

Ogie swak kina Sarah at Coco

Kay Sarah naman, she proved once more her box office prowess sa kanyang current movie, Maybe This Time, with Coco Martin at Ruffa Gutierrez.

Like most of her previous movies, including those with John Lloyd Cruz, ay super ang lakas sa box office din ng Maybe This Time.

Simpleng-simple lang ang kuwento ng movie, na 80% of the audience can easily identify with the characters played by Sarah, Coco, and Ruffa.

Lalo na sa karakter ni Sarah, to which one will easily agree, kapag napanood na ang movie.

Revelation si Ogie Diaz, na swak na swak sa audience ang pagpapatawa. Sis, ay! brod (brother) nga pala, improved na improved ka na as a comedian. Ipapanood mo ito sa isang dating favorite comedian-host mo. At tiyak, he will feel happy for you.

Sa totoo lang, maganda ang rapport nina Ogie, Sarah, at Coco. Together, riot sila. Effective sila sa pagbatuhan ng dialogue.

Talagang maaaliw, kayo.

Congrats, lalo na kay Direk Jerry Lopez Sineneng for a job well-done.

Kung magtutuluy-tuloy, ex ni JC pakakasal kay Willie

Wow, wonder how JC de Vera will feel, kapag nalaman niyang ang kanyang ex na si Danita Paner ang current apple of the eye ng comedian TV-host na si Willie Revillame.

Sa presscon kasi ng kanyang current endorsement, Tomato Time, a smart-looking time watch na very affordable ang price (P800 to P1,000 lang), JC told members of media present that after his break-up with Danita, he has yet to fall in love again.

If pakasalan ni Willie si Danita, granting na sila na nga, bale third legal wife ni Willie si Danita, as he was married first kay Princess Punzalan.

Kasal na sa isang foreigner si Princess at balitang may newly-born baby sina Princess at ang kanyang mister.

Second na pinakasalan ni Willie si Liz Almoro, who married recently Balikbayan-turned-actor Victor Aliwalas. May isang anak si Willie kay Liz, seven year-old Juamee.

A TV5 talent, Danita who is in her early 20s, is in the cast of the Kapatid’s ongoing series, Beki  Boxer, with Alwyn Uytingco playing the title role.

Show comments