^

Pang Movies

Claudine pinatay sa social media, na-OD daw!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na dumipensa ang lawyer ng aktres na si Claudine Barretto sa kumakalat ngayon sa Facebook tungkol sa diumano’y pagkamatay ng aktres dahil sa drug overdose.

Sa interview kay Attorney Ferdinand Topacio sa DZMM, sinabi nito na humingi na sila ng tulong sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Cybercrime Unit para sa tinatawag na phishing na gamit pa ang ABS-CBN.

“Phishing” refers to emails that pretend to be from a legitimate company.

“May nag-tweet pa sa akin ng link ng notice nga raw na may logo pa ng ABS-CBN. May litrato ni Claudine doon at nakalagay, ‘Claudine Barretto, 1979-2014,’” kuwento pa ng lawyer.

Hindi raw nakatutuwa ang ganitong klase ng balita.

“Malisyosong spam ‘to. Di ‘to nakatutuwang joke. It’s a cruel joke. Huwag naman sanang ganito. ‘Yung mga taong may galit kay Claudine, huwag naman sana ganito,” sabi pa ni Atty. Topacio.

“Alam n’yo ba, may isang fan pa si Claudine, si Ate Virgie, ‘yung tawag nila doon, na inatake sa puso dahil akala niya totoo. Kaya nakakaperwisyo talaga,” dagdag pa nito.

                             

ALAM

ATE VIRGIE

ATTORNEY FERDINAND TOPACIO

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CYBERCRIME UNIT

FACEBOOK

HUWAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with