^

Pang Movies

Maricel walang karanasan sa mas bata

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Ngayong nasa GMA na si Maricel Soriano sinabi nito na masayang-masaya siya dahil mababait ang mga tao rito mula sa executives hanggang sa maliliit na kasamahan sa trabaho.

Inamin din ng aktres na kaya niya tinanggap agad ang proyekto ay dahil bongga ang talent fee niya.

First time niyang makatrabaho si Dingdong Dantes pero nakasama na niya sa isang proyekto nun si Lovi Poe.

Kumusta naman ang role ng ginampanan mo?

‘‘Bilang si Millet na nagpakasal sa isang mas bata pa sa akin at nagpakasal din sa iba ay nahirapan ako sa role ko dahil hindi ko naman ito naranasan sa tunay na buhay. Pero maayos ko namang nagampanan ang karakter ko,’’ aniya.

Sa teleserye, si Anthony Real o Dingdong ay nagkagusto sa dalawang babae na pinakasalan niya. Ang kanyang pangarap ay maibigay ang kaligayahan sa kanilang dalawa pero na-realize na ang ginawang ito ay makasasakit sa bawat isa sa kanila.

Si Lovi naman ay si Shiela, na umibig kay Dingdong pero matutuklasan na may iba pang Mrs. Real kaya para siyang pinagtakluban ng langit at lupa.

Magsisimula na sa June 2 sa direksyon ni Andoy Ranay Ang Dalawang Mrs. Real.

Fans ni Dennis naiinip na!

Matagal nang tapos ang My Husband’s Lover pero wala pang ginagawang proyekto si Dennis Trillo. Naiinip na at nagtatanong ang kanyang mga fans kung kailan nila mapapanood ang kanilang idolo.

May nag-suggest na sana sa susunod nitong project, ay si Jennylyn Mercado ang makatambal. Ex-GF ito ng aktor at maging ang kaparehang si Mark Herras sa Rhodora X ex-BF din ng aktres.

Wala mang trabaho, pumabor naman ang pagkakatengga ni Dennis dahil nagkaroon siya ng chance na makasama ang lovechild nila ni Carlene Aguilar nitong summer, kaya nakapag-bonding nang husto ang mag-ama.

Ang album nila ni Tom Rodriguez na TOMDEN ay naging platinum na rin.

vuukle comment

ANTHONY REAL

CARLENE AGUILAR

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

JENNYLYN MERCADO

LOVI POE

MARK HERRAS

MRS. REAL

MY HUSBAND

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with