MANILA, Philippines - Nadale ng food poisoning si Ruffa Gutierrez the night before, bago siya lumabas sa The Look of Asia sa Channel News Asia sa Singapore. Kasama siyang bumiyahe roon ng Gutierrez family upang i-promote ang reality series nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez na mapapanood na sa June 1, 9:00 p.m. sa E! channel.
“Actually, umaga ‘yon. Ngayon ko lang masasabi na the show must go on! Night before, nagkaroon ako ng food poisoning! I think I ate Chinese food or something na it wouldn’t sink well with my stoÂmach!
“During the cocktail after the press conference, okey naman. Ayos naman. Nagkaroon kami ng picture taking. In ten minutes, namutla na ako! Pawis na pawis ako! I think I was gonna die!
“Umakyat na ako sa itaas. Sumuka ako nang…Oo! Ha! Ha! Ha! As in, never akong pinapawisan! Tapos, namulta ako!
“Parang feeling ko, over fatigue! Kasi I didn’t sleep the night before. Nagkaroon ako ng pictorial, promo. Nag-dubbing pa ako until three a.m.
“So pagdating ko ng bahay ng three a.m. nag-impake ako. Ang nanay ko, 4:00 a.m. gising na for a seven a.m. flight…†bitin na pahayag ni Ruffa sa presscon nila nang biglang may ipinakitang old picture si Ricky Lo sa host-actress.
“So heto na nga. Pagdating ko sa kuwarto, I threw up three times for one hour. As in hindi ko na talaga kaya. Nagpatawag ako ng doctor. Ang doctor pa naman doon, four hundred dollars, consultation pa lang!
“Buti na lang, I got sick on the job! E! paid! Tapos, ‘yung mga gamot…Yeah, four hundred Singapore dollars! Ha! Ha! Ha! Consultation excluding the medicines!
“The doctor said, my small intestines had toxins! So talagang food poisoning siya. Binigyan niya ako ng maraming mga gamot! Eh, kami ni Raymond, may guesting kami ng five a.m.! That’s our call time for makeup! So sabi ko, baka tomorrow, mukha akong ano!
“Buti nga, uminom ako ng maraming gamot. At gusto kong matuloy ‘yung guesting na ‘yon! Sabi ko, the show must go on! So tinuloy ko ‘yung guesting. Tinanggal na lang ‘yung Pinoy interviews. Sabi ko, ‘Can my mom take na lang my place, ‘no?’ Kasi my mom and my dad, hindi sila ganoon ka-hectic ang scheÂdule. Kasi tinanggihan lahat ni mommy ang original interviews! Ayaw daw niyang mag-Ingles!
“So lahat lang ng Pinoy press ang tinanggap niya! So sabi ko, my mom and my dad will be there so hayaan mo na lang siya sa pagkukuwento! Kasi sunud-sunod eh. Parang press junket ‘yon. Grabe!
“Until now, may sakit pa rin ako! But I am not about to die anyÂmore! I’m alive again bit still sick! Ha! Ha! Ha!†super chika ni Ruffa.
Nakadama sila ng importansiya mula sa imbitasyon ng NBC. Ang Asian viewers ang target nang ginawa nilang promotions upang makilala roon.
Nakita nga nila ang suporta ng mga Pinoy sa kanila sa music festival na kanilang dinaluhan dahil nang sumigaw ang mommy niya kung sino ang mga Bisaya roon, merong at least tatlong taong naghuhumiyaw sa tanong ng nanay niya, huh!
Bukod kay Ruffa at sa parents niya, tumulong din ang kambal na sina Richard at Raymond sa promotions ng kanilang reality series.
MariaN kakarerin ang pamimigay ng puhunan
Ang pagiging totoo at pagmamahal sa sarili ang dahilan ni MaÂrian Rivera kung bakit marami ang humahanga sa natural niyang ganda. Pero pinahahalagahan din niya ang kanyang buhok na feeling niya ay malaking bagay para sa isang babae.
“Masasabi ko talaga na kahit no makeup ka, basta maganda ang buhok mo, maganda ang isang babae. So malaki ang naitutulong ng Hana (shampoo) sa isang magandang babae!†katwiran ni MaÂrian sa launching niya bilang unang artisÂtang endorser ng Hana.
Sino kaya sa mga Kapuso female stars ang puwede niyang bigÂyan ng Hana?
“Actually, nabigyan ko na ang cast ng Carmela! Pina-try ko sila! Huwag ka nang mang-iintriga! Ha! Ha! Ha!†babala sa amin ni Yan Yan.
Kumusta naman ang pakikipagbalahuraan niya kina Jose, Wally, at Paolo Ballesteros sa Juan for All All for Juan segment ng Eat Bulaga?
“Uy, hindi naman balahuraan ‘yon!†dipensa niya. Hindi rin siya sumagot kung pera niya ‘yung ipinamimigay niya na Puhunan ni Yan Yan.
“Basta, basta. Ang importante riyan, hindi matatawaran ang experience ko riyan at lalo na ‘yung pamilyang natutulungan namin. Makikita mo talaga kung ano ang buhay nila.
“Ako, ang laki ng pasasalamat ko sa Eat Bulaga at pinaranas nila sa akin na pumunta ako sa iba’t ibang pamilya. Doon ko na-realize na ang bait ng Diyos para isa ako sa dahilan para magkaroon ng ngiti sa labi nila dahil sa Puhunan ni Marian,†paliwanag ni Marian.
Basta maluwag ang schedules, tuloy pa rin si Marian sa Bulaga kahit magsisimula na ang taping niya sa dance musical na Marian sa GMA.