Kris Lawrence itinangging hiwalay na sila ni Katrina

Biglang nagmukhang business meeting ang guesting ng mag-best friends na sina JayR at Kris Lawrence sa Walang Tulugan ni Master Showman dahil pinag-usapan ang mga bagong negosyo ng magkaibigan.

Si JayR ay visible muli sa pagha-handle ng singers at banda tulad ng Salbakuta, Kley, Q-York, at Mica Javier, at ibang artist na tinutulungan niyang i-produce ang kani-kanilang album under sa kanyang Homeworks Production. Katatapos lang niyang magkaroon ng bar tour ng kanyang mga Homeworks talents, at plano naman niyang magkaroon ng campus at mall tour.

Si Kris Lawrence naman ay isang taon na palang nagbebenta ng Jordan shoes mula toddlers, men, at women. Puwedeng umorder at makipag-negotiate sa kanya sa Instagram account na @sole_ _kicks.

Excited na rin si Kris sa ginagawa niyang album under Universal Records na kung matutuloy ay iri-release ngayong July. Meron din siyang entry sa gaganaping PhilPop na bawal pang isulat ang ii-interpret niyang kanta.

Samantala magtitipid at kakain lang daw sila sa labas sa birthday ng anak nila ni Katrina Halili na si Kitie sa September 18. Tutal naman daw ay bongga ang naging party nito nang mag-first birthday ito.

Happy naman daw sila ni Katrina basta focus daw muna siya sa kanyang work at tini-treasure nito ang araw-araw na kasama ang kanyang mag-ina, kahit wala pa silang planong magpakasal.

Okey naman daw sila ni Katrina, katunayan ay magkasama silang nagsimba kahapon (last Sunday) sa kanilang church at nag-bonding time sila kasama ang anak na si Katie.

Itinanggi niya ring hiwalay na sila ni Katrina.

The Voice kids kinaaliwan agad

Nagpatikim pa lang ang The Voice Kids last Saturday at Sunday kasama ang coaches na sina Lea Salonga, Bamboo, at Sarah Geronimo, pero ang lakas na agad ng hatak nito sa TV viewers.

May kurot agad sa masa ang mga cute na bagets na pambatong nakuha ng coaches para sa kanilang team. May mga lumuhang contestant pa na inamu-amo nina Lea, Sarah, at Bamboo.

Nagsisimula nang mag-over acting si Lea sa kanyang mga comment. Nag-mature naman si Sarah sa kanyang malumanay pa ring judgment at binubu­ngisngisan lang  ang maangas na litanya ni Lea. Nagpapaka-gentleman pa rin si Bamboo sa kanyang dalawang co-host. At lumalabas din ang kanyang soft spot sa pag-reach out sa mga bagets.

Mahusay na talaga si Luis Manzano sa hosting kahit nasa background lang, at click pa rin si Alex Gonzaga na bagay makipagkulitan sa mga bagets. Tiyak miss na nito ang hosting job dahil nasa loob pa rin siya ng Bahay ni Kuya ngayon. Pero kahit nasa loob siya ng PBB house ay nagsa-shine pa rin ang kapatid ni Toni Gonzaga sa The Voice Kids.

Mabuti na lang at pinagpalit na rin ng mga damit ang coaches at hosts, kaya hindi na mukhang tinuhog lang sa unang taping ang Voice Kids ng ABS-CBN.

 

Show comments