MANILA, Philippines - Fresh mula sa pagkakapanalo bilang Pepsters’ Choice Category Celebrity Pair of the Year sa katatapos lamang na PEP List Awards, sa Toledo City naman sa Cebu ang punta ng phenomenal love team ng Kapuso artists na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez o mas kilala bilang TomDen ngayong Sabado, May 24.
Magsasama ang dalawa para pagbidahan ang kauna-unahang Kapuso Mall Show sa Toledo City na gaganapin sa open parking ng Gaisano Grand Mall Toledo. Excited na nga sina Dennis at Tom na makilala ang kanilang fans sa nasabing siyudad. Simula 5 p.m. inaasahang mainit ang magiging show ng dalawa kung saan kakantahin nila ang mga awitin mula sa kanilang Gold-record album na TomDen na ini-release naman ng GMA Records.
Nag-i-enjoy si Dennis sa pagpe-perform dahil bukod sa napasasaya nila ang kanilang fans, natutuwa rin siya na naaappreciate sila bilang recording artists.
“Nakakatuwa kasi sa panahon natin ngayon hindi na uso ‘yung bumibili ng CDs pero kapag nagmo-mall show kami, maraming bumibili at willing gumastos kaya naka-abot ng Gold and may balita kami na malapit nang mag-Platinum,†ani Dennis.
Si Tom naman ay malaki ang pasasalamat sa My Husband’s Lover na nagbigay-daan sa maraming career opportunities na dumating sa kanya kasama na nga ang nasabing album.
“It’s nice na because of the show, and because of the pairing, mas naka-explore ng iba’t ibang side specially sa aming indivual careers. Ang gandang experience dahil na-i-explore namin ‘yung iba’t ibang avenues, iba’t ibang outlets ng sining other than TVs and moÂvies. I feel very lucky,†sabi ni Tom.
Samantala, sa Cebu City, tampok naman sa isa pang mall show ang Taste Buddies’ host na si Solenn Heussaff kasama ang Kapuso hunk na si Rafael Rosell. Ito ay magsisimula sa ganap na 4 p.m. sa Sabado, May 24, sa Activity Center ng Gaisano Capital South.
Isang Kapuso Island Tour in Panay naman ang magaganap sa Linggo, May 25, sa Kalibo. Dito ay makakasama ng mga Aklanon ang Kapuso leading man na si Geoff Eigenmann sa Pastrana Park ng Kalibo, Aklan simula 4 p.m.
Talaga namang isang kapanapanabik na back-to-back treat para sa mga Kapuso sa Visayas region ang hatid ng GMA Regional TV ngayong weekend.