MANILA, Philippines - Gusto ni Katrina Halili na maging magandang halimbawa sa batang anak. ‘Yon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin sila nagsasama nang ama ng bata na si Kris Lawrence.
“Siyempre nu’ng nagkaanak ako, mas naging conscious ako sa ginagawa ko. Alam kong mali ‘yung nangyari kaya hanggang hindi kami kasal, hindi kami puwedeng magsama sa isang bubong.
“Siyempre kunwari ‘yung anak ko, nagkaroon ng boyfriend, ayoko namang mag-live in sila! Ayoko. Siyempre gusto kong maging magandang impluwensiya,†saad pa ng aktres na nasa cast ng GMA series na Niño.
Mabuti at nakakatiis si Kris sa ganoong set up?
“Ay bahala siya kung hindi siya makatiis!†sagot niya.
Sobra naman siya kay Kris, huh!
“Hindi naman kami kasal!†tugon pa ni Kat.
Paano ‘yung responsibilidad ni Kris sa anak nila?
“Okey naman siya sa responsibilidad niya,†saad pa niya.
Kumusta siya as a father at husband?
“Father na lang muna! Okey naman siya. Matiyaga siya sa bata. Actually, mas matiyaga nga siya kesa sa akin,†rason ni Kat.
Parang ayaw niyang pag-usapan si Kris?
“Huwag muna, Tito. Huwag munang anuhin. Okey lang kami! I’m not ready. Off the record na lang,†hiling ni Katrina na bait-baitan naman sa series na pinagbibihan ng binatilyong si Miguel Tanfelix.
Gov. ER pinalalayas na sa puwesto
Matapos tumanggap ng papuri sa katatapos na Palarong Pambansa 2014 sa Laguna, nasa gitna na naman ng kontrobersiya si Governor ER Ejercito. Naglabas na kasi ng unanimous decision ang Commission on Elections en banc at pinabababa siya sa puwesto dahil sa kasong overspending last 2013 elections.
Binigyan naman ng Comelec ng limang araw ang Laguna governor upang makakuha ng temporary restraining order sa Supreme Court upang hindi maisakatuparan ng desisyon. Kapag hindi siya nakakuha ng TRO ay kailangan na niyang bumaba sa puwesto.
Nu’ng hindi pa lumalabas ang decision, may balitang sa provincial capitol sa Sta. Cruz, Laguna na natutulog si Gov. ER. Handa raw niya kasing ipaglaban ang posisyon niya.
Sa statement na ipinadala sa media, naniniwala naman si Gov. Ejercito na papanig sa kanya ang Mataas na Hukuman. Depensa naman ni Comelec Commissioner na si Sixto Brilliantes, walang bahid ng pulitika ang naging decision ng tanggapan niya.
Lampungan nina Zanjoe at Pokwang wagas na wagas
Inaapura ang pagtatapos ng movie nina Pokwang at Zanjoe Marudo na The Illegal Wife. Kailangang sakyan nila ang kasikatan ng The Legal Wife nina Angel Locsin at Maja Salvador nang sa gayun, fresh pa sa isipan ng mga tao ang teleserye.
In fairness naman kay Pokie, ibinigay niya ang oras niya sa paggawa ng movie kahit meron siyang Mirabella. Nagkaroon na sila nang pictorial ng movie at nakunan na ang malalaÂking eksena. Sa movie, wagas na wagas nang talaga ang lampungan nila ni Zanjoe!
Aalis din kasi si Pokwang next month para gawin sa San Francisco ang isa pang movie na produced ng The Filipino Channel.