Nakakwentuhan namin si Donita Rose sa Basta Every Day Happy at natawa kami nang sabihin nitong ang ‘kapal’ ng mukha ni Anne Curtis dahil kahit sintunado ito ay nakapag-concert na sa Araneta Coliseum. Kung saan-saan nga naman rin siya kumakanta noon at kung saan-saang lugar pero hindi pa nakatutong ng Araneta Coliseum.
Pagbabalik tanaw pa ni Donita na naging FHM cover na siya noong siya’y 20 years old sa Thailand, Malaysia, at Philippine. Gusto uli niyang maging cover ng FHM kaya nga siya nagwo-work-out para pumayat.
Excited na ito sa pagbabalik-showbiz kung saan kasama siya bilang isa sa mga host ng Basta Every Day Happy. Kasama niya rito sina Chef Boy Logro, Gladys Reyes, at Alessandra de Rossi.
Naka-base ang pamilya ni Donita sa Las Vegas kung saan nami-miss na niya ang asawang si Eric Villarama at anak na si Joshua Paul.
Nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang GMA show, walang gatol itong sumagot na dahil sa pera.
Steven gagawin ang lahat sa Boston
Maipakikita na ni Steven Silva ang talino nito sa pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at pagluluto sa upcoming series na Boston na mapapanood na ngayong Hunyo.
Sinabi nito na gagampanan niya ang maintrigang karakter ni Sid, isang pastry chef sa restaurant.
Humigit sa 30 talents mula sa teatro at GMA ang nag-audition pero si Steven ang pinalad na mapili ng producer ng The Kitchen Musical, ang international TV series na tinampukan noon nina Christian Bautista at Karylle na ipinalabas sa Singapore.
Walong episodes ng The Boston ang nai-shoot nila kasama ang mga talent mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Nag-audition si Steven noong September last year at maraming callbacks bago niya nalamang kasama siya sa final cast.
Produkto si Steven ng Starstruck 5 at naging nobya nito si Diva Montelaba.