Rachelle Ann komportable na sa bikini

Congratulations to Rachelle Ann Go. Nagsimula na angvformal stage revival ng Miss Saigon last Satur­day, May 10, sa Prince Edward Theater in London’s West End, at magaganda ang reviews sa stage presence ni Rachelle in her role as the bar girl, Gigi Van Tranh at sa pag-awit niya ng memorable song na Music In My Mind. Nag-post si Girlie Rodis (GR) ng picture ni Rachelle na very sexy sa two-piece bikini outfit. Nasa London si GR dahil may stage perfor­mance rin doon ang talent niyang si Joana Ampil.

Biniro pa namin noon si Rachelle nang makausap siya sa farewell concert niya sa Meralco Theater kung ready na siyang magsuot ng bikini sa kanyang role. Kakayanin daw niya dahil para sa kanya, ibang experience ito na hindi na niya mali­limutan. Nagpu-post sa Instagram si Rachelle Ann during their rehearsals at hindi raw naman siya masyadong nanibago dahil marami ring Pinoy ang kasama sa cast. 

Ilan dito sina Jonjon Briones who plays The Engineer at si Eva Noblezada as Kim. 

Ayon sa mga report na nanggaling sa London, pinupuri ang performance ni Rachelle Ann.

 

Ashley at Chloe inaming gustong mag-iba ng image, naghubad sa magazine

Sabay naming nakausap ang dalawang Viva cover girls ng FHM, sina Ashley Rivera for the April issue, at si Chloe Dauden for May issue. Mas kilala noon si Ashley bilang si Petra Mahalimuyak ng YouTube pero kahit ngayong contract star na siya ng Viva Artist Agency, hindi pa rin niya iiwanan ang pangalan ni Petra at ang pagrecord ng mga funny videos na two years na niyang ginagawa. 

First time ni Ashley na mag-pose sa men’s magazine at very conservative ang family niya kaya na-shock ang daddy at sister nito. Pero ang mommy niya ay very supportive dahil nakita naman daw nito na playful ang mga poses niya at wala naman siyang ikahihiya. 

Gusto na niyang baguhin ang kanyang career, puwede siyang maging sexy comedienne pero magkaiba raw naman sila ni Rufa Mae Quinto, pareho lamang silang funny, at biro pa niya kaya, raw niyang kumanta at sumayaw na tulad ni Anne Curtis. 

Minsan na rin siyang gumawa ng movie, ang My Lady Boss at ginagawa niya sa Viva Films ang The Gifted. She is now hosting Dobol or Samting with Fabio Ide.

Tapos na raw si Chloe sa pag-join ng mga beauty contest, over-aged na raw siya, tama na ang title niyang Second Princess sa Miss World-Philippines 2012. Ang kanyang FHM cover ngayong buwan ang pang-apat na niya at ito na raw ang pinaka-bare na ginawa niya at natatawa niyang sabi, wala na raw siyang ibang ipakikita pa. 

Apo ng mahusay na actress na si Marlene Dauden si Chloe at hindi raw niya alam kung ano ang magiging reaction ng lola niya kapag nakita ang magazine. 

Pero gusto na niyang maging dramatic actress at kung sakaling uuwi muli rito ang lola niya, gusto niyang magsama sila sa isang movie.

Show comments