Apat na lasing na lalake ang nanggulo sa taping ng Carmela sa isang bar sa Malolos, Bulacan.
Ibinalita kahapon sa GMA News TV ang panggugulo at pananakit na ginawa ng mga suspect sa staff ng drama series ni Marian Rivera sa GMA 7.
Ipinakita sa report ang video ng sugatan na lighting director ng Carmela na nagtangka na pigilan ang pagpasok ng apat na lalaki sa loob ng bar.
Pati ang direktor ng Carmela na si Dominic Zapata, sinuntok ng mga pasaway na suspect. Sinubukan kasi ni Dominic na ayusin ang problema pero siya ang napagdiskitahan ng mga lalake.
Super deny ang mga suspect. Sila raw ang sinugod ng Carmela staff kaya napilitan sila na lumaban.
Naghain na ng reklamo sa Malolos Police ang staff ng Carmela pero nag-file din ng complaint ang mga suspect.
Malamang na humantong sa demandahan ang problema. SuÂmusumpa ang staff na nagpumilit na pumasok sa bar ang apat na lalake, kahit sinabi sa kanila na may nagaganap na taping.
Narinig ng staff ang dialogue ng mga lalake na “ Ilabas na ‘yan†pero di maÂlinaw kung sino ang tinutukoy nila.
Hindi na talaga safe ang paligid. Imagine, walang takot na sumugod ang mga suspect kahit nakikita nila na may mga TV camera dahil may nagaganap na taÂping? Parang wala na silang kinatatakutan dahil lango sila sa espiritu ng alak.
Semerad twins tinatawanan lang ang ‘relasyon’ kay Ruffa
Pinagtawanan ng Semerad twins ang mga intriga at pagbibigay ng malisya ng ibang mga tao sa friendship nila kay Ruffa Gutierrez.
Malinaw at kapani-paniwala ang denial nina David at Anthony na older sister ang turing nila kay Ruffa dahil napakabait nito sa kanila.
Ginawa ng kambal ang paglilinaw sa presscon ng Cosmo Cee, ang Vitamin C na ini-endorso nila.
Naniniwala ako na mga kapatid din ang trato ni Ruffa kina Anthony at David. Sanay si Ruffa na makihalubilo sa mga kambal dahil twins din ang kanyang mga kapatid na sina Richard at Raymond.
At kung hindi ako nagkakamali, ang Semerad brothers ang nag-asikaso at nagpasyal kay Ruffa at sa mga anak nito nang magbakasyon noon sa Australia ang mag-iina. Magkakapamilya ang trato nila sa isa’t isa.
Sen. Loren mag-aaral na pagkatapos sa senado
Nadagdagan na naman ang paghanga at respeto ko kay Senator Loren Legarda dahil sa mga litrato na ipinadala niya sa akin.
Kakaiba talaga si Mama Loren dahil kuha mula sa lunch namin sa ancestral house niya sa Malabon City noong March 22 ang mga litrato na natanggap ko.
Bukod sa malaking litrato na nakalagay sa picture frame, may sulat si Mama Loren na pinirmahan niya.
O ‘di ba, very touching ang kind gesture ni Mama Loren? Siya lamang ang puwedeng makaisip na bigyan ng souvenir photos ang mga kaibigan niya na bumisita sa kanyang ancestral home.
Ang mga katulad ni Mama Loren na may malasakit sa mga tao at sa showbiz industry ang dapat na maluklok sa puwesto. Nakakalungkot isipin na last term na ni Mama Loren bilang senador at wala itong plano na kumandidato sa 2016 dahil may balak siya na mag-aral. I’m sure, mami-miss si Mama Loren ng milyun-milyong Pilipino na buong-buo ang tiwala sa kanya bilang public servant.