Indie aktor mas pinili ang disenteng trabaho kesa magpahada sa mga designer
Nagtatrabaho na bilang isang staff ng isang five-star hotel ang isang male starlet pagkatapos na hindi mag-take off ang kanyang acting career.
Mabuti na raw iyon at nasa matino siyang trabaho kesa naman daw na maghintay siya at wala naman mangyari sa kanyang career.
Inamin ng naturang male starlet na sari-saring indecent proposals ang natanggap niya pagkatapos niyang lumabas sa isang indie film. Pero wala raw siyang tinanggap dahil alam niyang siya ang lalabas na talunan.
“Kesa naman malaspag ako nang kung sinu-sinong mga bakla at matrona, magtrabaho na lang ako nang maayos.
“May natapos naman ako sa college at madali akong nakapasok sa trabaho ko ngayon. Okey naman ang kinikita ko kaya masaya na ako. Hindi ko naman kailangan ng sobra-sobrang pera para maging masaya,†sey pa ng male starlet.
Sumali sa isang reality competition si male starlet pero hindi siya sinuwerteng manalo. Dahil sa exotic features niya at sa magandang height niya, nakuha siyang mag-model ng mga designers.
Doon pa lang daw ay sunud-sunod na ang alok sa kanya na maging alaga ng kung sinu-sinong designer pero tinanggihan niya lahat. Ang mga naging kasabayan niya sa modeling ay kumagat sa offers kaya sunud-sunod ang bookings nila sa fashion shows.
Pinasok niya ang acting at nakagawa naman siya ng matinong indie film. Pero hindi rin daw naging daan iyon para umasenso siya.
Kaya naman sa isang disenteng trabaho siya pumasok at walang regrets si male starlet dahil wala na raw nagpapadala sa kanya ng mga indecent proposals.
Julie Ann nami-miss na si Elmo
Mas naka-concentrate ngayon si Julie Anne San Jose sa kanyang recording career kesa sa paggawa ng mga teleserye.
Kung matatandaan ay nag-backout siya last year na gawin ang Dormitoryo dahil mas priority niya ang pag-perform at umawit.
“Singing naman ang naging priority ko ever since. Bata pa lang ako, pagkanta na ang hilig ko.
“Nagkataon lang na nabibigyan tayo ng mga teleserye. Now, I feel na mas gusto kong mag-focus sa pagkanta. Worth it naman because nandiyan ang mga fans na parating sumusuporta,†ngiti pa ni Julie Anne sa kanyang pag-launch bilang bagong endorser ng Careline cosmetics from Ever Bilena.
This year ay may ilalabas siyang bagong album bilang follow-up sa kanyang 9-times platinum na album.
May nag-suggest na mag-concert na siya sa Smart Araneta Coliseum dahil malaking pruweba na marami na siyang followers dahil sa mataas na sales ng album niya. Kaya na raw niyang mapuno ang Big Dome.
“Pangarap ko po na magkaroon ng concert sa Big Dome. Depende po iyon sa producers namin. Sila naman po ang magdesisyon tungkol diyan.â€
Tungkol naman sa mga fans nila ni Elmo Magalona, marami raw sa mga ito bina-bash ang girlfriend ni Elmo na si Janine Gutierrez. Nakiusap na raw si Julie Anne sa kanilang mga fans na huwag gawin iyon kay Janine.
“Marami na akong nakausap na sana huwag naman gano’n. Pero hindi ko naman po masasabihan ang lahat at hindi assurance na susunod silang lahat.
“Okey naman kami ni Elmo at miss ko na rin na makatrabaho siya. Sana magkasama kami soon sa isang show para matuwa ang mga fans namin,†pagtatapos pa ni Julie Anne San Jose.
Dayanara naisahan sa korte ang asawang si Marc Anthony
Binuking ni former Miss Universe Dayanara Torres na tinatago ng kanyang ex-husband na si Marc Anthony ang kayamanan nito para hindi ito makapagbigay pa ng mas malaking child support sa kanilang dalawang anak.
Nag-file nga ulit ng kaso si Dayanara sa L.A. County para sa hinihingi niyang child support mula sa kanyang dating mister.
Nilabas ni Dayanara ang mga tinatagong assets ng dating mister, kasama na rito ang ilang bahay at ang income nito bilang isang performer at recording artist.
Pinagtataka lang ni Dayanara na galante raw si Marc sa ibang tao pero hindi sa kanilang mga anak. Nalaman lang niya na gumastos ito ng higit na $330,000 para sa mga kamag-anak niya at sa mga naging girlfriends niya.
Tumanggi na magbigay pa nang mas mataas na child support si Marc dahil masyado lang daw mai-spoil ang kanilang mga anak.
Pero pinanigan ng judge si Dayanara at pinapa-submit si Marc ng complete accounting of his income and expenses.
Ang hinihiling ni Dayanara ay increase sa child support from $13,000 to $113,000 para matustusan nito ang mga pangangailangan ng mga bata sa school at sa pang-araw-araw na gastusin nila.
- Latest