Danica gusto munang magkakilanlan pa sina Bossing at Pauleen, kontra sa kasalan

MANILA, Philippines - Balitang ikakasal na raw sina Vic Sotto at Pauleen Luna.  Ano kaya ang naging reaksyon dito ng anak ni Bossing na si Danica Sotto?

Sabi ni Danica:  “Actually, nung una medyo naaasiwa ako.  Kasi halos magka­sing-edad kami ni Pauleen.  Ang father ko, 34 years older than her.

 â€œAng gusto ko naman kay Pauleen, gumawa siya ng paraan para makausap kaming dalawa ni Oyo tungkol sa relasyon nila ng Papa namin.  Kinaibigan niya kami at nagpakilalang mabuti.  Ang gusto ko lang, sana magtagal pa ‘yung magkakilala silang mabuti muna.  They should spend a lot of time muna to know each other.  Para kung sakaling sila na nga ang magkatuluyan, hindi humantong agad sa paghihiwalay.  Ayaw din naming mangyari yun sa kanila.”

Boyfriend ni Zsa Zsa inuungkat ang mga ex na hindi sinabi kay Zsa Zsa

Biglang-bigla ang muling pagtibok ng puso ni Zsa Zsa Padilla sa isang arkitekto, Conrad Onglao. Pero nagulat ang mga tao nang bigla ring umalsa ang balitang dating manliligaw (o boyfriend) ni Pops Fernandez si Conrad.  Alam kaya ito ni Zsa Zsa?  Ipinagtapat kaya ito ni Conrad sa kanya?  Ang alam lang kasi ni Zsa Zsa, hiwalay si Conrad sa asawa niyang interior designer.  At may dalawa silang anak.

Kailangan pa bang ipagtapat ni Conrad sa kanya na dati siyang lover ni Pops?  Wala pa namang pag-amin si Pops na dati ngang lover siya ni Conrad.  At kung sakaling aminin man niya, dapat din niyang sabihin kung bakit hindi sila nagkatuluyan, kung naging sila man!

Nichole ate pa rin ang tingin kay Phoemela

Dalawang  anak ng celebrities ang kasama sa bagong edition ng PBB ang Pinoy Big Brother All In.  Sila ay sina Nichole Baranda, anak ng TV host, Phoemela Baranda at Michelle Gumabao, anak ng dating actor na si Dennis Roldan.  Gwapo pa rin si Dennis kahit nagka-edad na.  Aktibong aktor noon si Dennis, bilang kontrabida, pero nahinto sa showbiz dahil sa pagkakakulong.  Posible kayang ang mga anak nila ang magdala sa kanilang mas aktibong pagbabalik-showbiz?

By the way, lumaki si Nichole na hindi kilalang nanay si Phoemela.  Akala niya, kapatid lang niya ito.  “Ate” nga ang tawag niya rito.  Ang bruha kasi, ilihim ang tunay niyang relasyon dito!              

Show comments