MANILA, Philippines - Tatlong iba’t ibang modus ng nakawan sa lansangan ang bubusisiin ni Atom Araullo bukas (May 2) sa kanyang pagbabahagi ng bagong kaalaman para iligtas ang mga sarili sa peligro sa Red Alert.
Alamin ang mga naging karanasan ni Anna na biktima ng “ipit taxi gang,†ni Perlita na dinale sa sarili niya mismong sasakyan, at ni Miss Philippines Earth 2013 Angelee Delos Reyes na biktima ng riding-in-tandem.
Muli ring hahamunin ni Atom ang sarili lalo na ang kanyang bilis at liksi sa paggamit ng self-defense techniques kung sakaling mabiktima siya ng magnanakaw sa daan.
Dahil walang pinipiling tao, oras o lugar ang peligro, aksidente at trahedya kailangan may tamang kaalaman kung paano mailigtas ang sarili at ang mga mahal sa buhay. Tumutok sa Red Alert tuwing Biyernes, pagkatapos ng Pinoy Big Brother All In Uber sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.