^

Pang Movies

Ruffa umayaw maging beauty queen sa indie

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sayang at kailangang tanggihan ni Ruffa Gu­tierrez ang offer ni Atty. Joji Alonso of Quantum Films, ang satirical comedy na Beauty in a Bottle. Ang story idea ay kay Chris Martinez pero isinulat at ididirek ni Antoinette Jadaone.  Tungkol ito sa hilig ng mga Pinoy sa paggamit ng mga beauty pro­ducts, tulad ng mga whitening preparations, kaya hindi puwedeng tanggapin ni Ruffa. 

Baka kasi magka-conflict ito sa ini-endorse        niyang CosmoSkin, isang skin whitener. 

Nanghinayang din si Ruffa na kasalukuyang nasa bakasyon sa Holy Land with daughters Lorin and Venice, dahil ang role ay isa siyang beauty queen na bagay naman talaga sa kanya. 

Makakasama sana niya sa movie sina Angelica Panganiban at Angeline Quinto.  Ang pumalit kay Ruffa ay si Assunta de Rossi.

Mel Tiangco may special coverage sa canonization

May special coverage sa canonization bilang santo, Blessed John Paul II malapit sa puso ng mga Pinoy.

Today, April 27 is the Feast of the Divine Mercy, at tamang-tama naman sa canonization ng dalawang bagong santong sina Saint John XXIII at Saint John Paul II. Si Saint John Paul II ay devotee ng Divine Mercy.

Lahat ng kaganapan sa St. Peter’s Square in Vatican City ay mapapanood sa GMA 7 at GMA News TV ngayong araw na ito. 

Ang special coverage titled Saint John Paul II: We Love You, ay ibibigay mula roon nina Ms. Mel Tiangco, Ms. Jessica Soho, Mariz Umali, Raffy Tima, at Jiggy Manicad, anchored naman ito nina Vicky Morales at Arnold Clavio with their guest panelists.

Marian dinumog ng mga tao sa Bangus Festival

Nag-text ang former professor namin who’s based in Dagupan City. Kuwento niya na during the Bangus Festival doon last April 22, nakita raw niya kung ga­ano ka-popular si Marian Rivera dahil sa rami ng taong dumayo sa Dagupan Plaza. 

Matagal na raw niyang pinapanood si Marian tuwing may ipinalalabas itong drama series sa TV, pero hindi raw niya in-expect na ganoon karami ang gustong makita siya nang personal sa kabila ng init, sa parade pa lamang hanggang sa show na inabot na ng gabi. 

Nakita nga namin sa Instagram kung gaano karami ang tao, kaya halos maiyak sa tuwa si Marian habang nagpapasalamat sa mga Dagupeño.  

Sa May 23 pa ang final episode ng Carmela, pero nasa pre-production na ang bagong TV show ng GMA Primetime Queen na magpapakita naman kay Marian ng iba pa niyang talents bukod sa husay sa pagda-drama. Ang once-a-week show ay magsisimulang mapapanood sa June, 2014.

Sunday All Stars nakabitin pa rin ang kapalaran

Totoo kayang iri-reformat o papalitan na ang Sunday noontime show na Sunday All Stars ng GMA 7. Ngayong Linggo na ba ang last episode nila? Pero nagtanong kami sa GMA at negative naman ang nakuha naming sagot, as of Friday, wala pa raw advise sa kanila kung may changes, alam nila, tuloy pa rin ang competition ngayong Linggo ng apat na teams ng show.

ANGELICA PANGANIBAN

ANGELINE QUINTO

ANTOINETTE JADAONE

ARNOLD CLAVIO

BANGUS FESTIVAL

RUFFA

SAINT JOHN PAUL

SUNDAY ALL STARS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with