Marami ang nag-react sa dialogue ni Kris Aquino kay Andrew Garfield na mas kumita sa box office ang My Little Bossings sa opening day nito compared sa The Amazing Spider-Man.
Bayolente ang reaksyon ng mga nakapanood sa sinabi ni Kris sa star ng Spider-Man movie na showing sa mga sinehan sa April 30.
Ang ingay-ingay uli ng name ni Kris dahil damay siya sa promo at publicity ng isang international movie. Alam niya talaga kung paano gumawa ng ingay na pinatulan agad ng mga patola. Patola ang tawag sa fans at kung sinu-sino na mahilig pumatol sa mga isyu na nagiging malaki dahil sila rin ang may kasalanan. Na-prove uli ni Kris na publicity, good or bad is still publicity habang super emote ang detractors niya. Sino ngayon ang talo?
Tom kinalasan ang gf na singer
Inamin kahapon ni Tom Rodriguez sa presscon ng So It’s You na hiwalay na sila ng kanyang girlfriend na si K-La Rivera.
Ang sey ni Tom, mutual decision ang paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend daÂhil napagdesisyunan nila na mag-focus sa kanilang respective careers.
Iginiit ni Tom na good friends pa rin sila ni K-La kahit tinapos na nila ang kanilang relasyon as in may constant communication pa rin sila.
Hindi gimik para sa So It’s You ang split up ng mag-dyowa na napasabay sa break up nina Geoff Eigenmann at Carla Abellana, ang leading lady ni Tom sa So It’s You.
Cedric nadakip na
Mama Salve habang nagde-deadline ako, pumasok ang breaking news na nadakip na si Cedric Lee at ang co-accused nito na si Zimmer Raz.
Nahuli ang dalawa sa Samar at inaasahan na ibabalik sila sa Maynila para i-detain bilang walang piyansa sa serious illegal detention na demanda sa kanila ni Vhong Navarrro.
Dahil nadakip na sina Cedric at Zimmer Raz, nabawasan na ang tutugisin ng NBI agents.
Dapat nang kabahan si Deniece Cornejo dahil any moment, baka siya na ang matimbog ng mga pulis at NBI agents.
Sa totoo lang, nakalulungkot ang nangyari sa buhay ni Deniece. So young and beautiful pero makakalaboso lang. Bright sana ang kanyang future kung hindi nasangkot sa big scandal na siya rin ang may kasalanan.