Sam at Gerald, mas prayoridad ang career kesa Dyowa

MANILA, Philippines - Nang papiliin sina Sam Milby at Gerald Anderson kung trabaho o buhay pag-ibig, parehong pinili ng leading men ng Dyesebel na mas pagtuunan muna ng pansin ang trabaho.

Para sa 29 anyos na si Sam at 25 anyos na si Gerald,  saka na nila iisipin ang pagpapakasal kapag lumampas na sila ng edad 30. Sa ngayon, mas tututukan daw muna nila ang karera upang makapag-ipon para sa kani-kanilang pamilya at magiging pamilya.

 â€œGusto kong mas tumagal sa showbiz kaya mas nagsisikap ako. Alam ko na hindi ito permanente kaya kailangang magsipag habang marami pang proyektong dumarating. Kailangan mo itong i-enjoy habang kaya mo pa at gamitin sa tama ang kinikita,” pagbabahagi ni Sam sa Tapatan ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes (Abril 24).

Siyam na taon matapos siyang sumali sa reality show na Pinoy Big Brother (PBB) noong 2005 at makapasok sa showbiz, nakapagpundar na ng sariling tahanan si Sam. Nagpapatakbo na rin siya ng dalawang negosyo, isang restaurant at isang coffee shop.

Kagaya ni Sam, sa PBB din nagsimula si Gerald noong 2006. Matapos nito ay agad sumikat ang binata at hindi na nawalan ng proyekto sa telebisyon at pelikula.

 â€œNa-inlove ako sa craft ng acting. Sabi ko sa sarili ko, ‘Ito na. Ito na yung gusto ko,’” sabi niya.

Dagdag niya, masarap kumita ng pera habang ginagawa ang bagay na nagpapasaya sayo.

“Siyempre ‘yung financial benefits andiyan. Ang buong pamilya ko, okay na okay ngayon dahil sa pagiging artista ko,” paliwanag ni Gerald. 

Sa ngayon, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay sa Maynila at isa pa sa General Santos para naman sa kanyang ina.

Bukod sa makulay nilang pakikipagsapalaran sa showbiz, magbabahagi rin sina Sam at Gerald ng tungkol sa kontrobersyal nilang buhay pag-ibig.

Huwag palampasin ang Tapatan ni Tunying (TNT) ngayong Huwebes (Abril 24), sa bago nitong oras na 3:45 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold. 

Mga batang tuloy ang pagbabanat ng buto sasama sa motorcycle ni Jay

Sa isang natatanging dokumentaryo, sisiyasatin ng Motorcycle Diaries ngayong Huwebes ng gabi sa GMA News TV kung nakakamit nga ba ng mga batang Pilipino ang kanilang karapatan, o nanatili lamang itong pribilehiyo ng iilan. 

Ilan sa mga karapatan ng mga bata ay ang karapatan na maging malaya at magkaroon ng pamilyang mag-aaruga; magkaraoon ng sapat na pagkain at malusog at aktibong pangangatawan; mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala karahasan at panganib.  

Mula Maynila hanggang Mindanao, samahan si Jay Taruc na silipin ang buhay ng ilang kabataan na imbes naglalaro ay nagbabanat ng buto para makaahon sa kahirapan. Kilalanin sina Carlo, Ambo, Jhamar, Jepoi, Nonong, Ronel, Alvina, Kingvi at John Carl at alamin kung bakit nila kailangang isantabi ang pagiging bata.  Nasaan ang kanilang mga magulang?  Paano na ang kanilang pag-aaral?

 

Show comments