Be Careful viewers, kabilang sa mga ninong at ninang ng ’baby kambal’ nina Maya at Ser Chief

MANILA, Philippines - Kasabay ng pananabik ng buong sambayanan sa nalalapit na panganganak ni Maya (Jodi Sta. Maria) ay ang pakikipagkapit-bisig ng lahat sa ‘Name Our Babies’ promo ng Be Careful With My Heart, kung saan may pagkakataon ang mga manunood na hulaan ang mga pangalang ibibigay nina Mr. and Mrs. Lim sa kanilang ‘baby kambal.’ Mula sa text promo ay pipili ang programa ng tatlong winners na makatatanggap ng ekslusibong imbitasyon sa binyag bilang mga ninong o ninang ng kambal nina Maya at Ser Chief (Richard Yap). Para makasali sa ‘Name Our Babies’ promo, kailangan lamang mamili ng viewer mula sa tatlong kombinasyon ng pangalan — (A) Angelo at Angela; (B) Robert Arthur at Emerald Therese; at (C) Sky at Sunshine. Pagkapili ay ita-type lamang sa cellphone ang HEART<space>LETTER OF ANSWER at ise-send sa 2366. Hanggang Abril 25 (Biyernes) lamang maaaring sumali sa promo. Para sa buong detalye ng ‘Name Our Babies’ text promo at sa mas marami pang sorpresa mula sa pamilya Lim, tumutok sa number one daytime TV program sa bansa, Be Careful With My Heart,  araw-araw, bago mag-It’s Showtime sa Primetanghali ng ABS-CBN.

 

Show comments