^

Pang Movies

Banal na banal ang feeling: Showbiz personality diet sa ‘karne’ sa nagdaang Kuwaresma

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Easter o Pasko ng Pagkabuhay, isa sa pinakamasayang araw at pagdiriwang sa buong taon ng mga Kristiyano.

Natapos na ang Kuwaresma, na panahon ng pa­ngingilin, sakripisyo, at taimtim na pagdarasal, na sana’y magpatuloy sa buong taon. Aba, pati ang mga kafatid sa showbiz nag-observe din ng Holy Week at may kani-kanilang panata, tulad ni John Lapus, na nag-station of the cross noong Maundy Thursday.

Isa pa naming kilala, na ayaw pabanggit ang pa­ngalan, hindi lumabas ng bahay buong linggo, upang maiwasan ang paggala at panghahala. Feeling niya banal na banal siya.

Ang isang lasenggang aktres, hindi tumikim ng kahit isang patak ng alak, kaya nasa katinuan siya buong linggo! Ngayon kayang Easter, baka magpakalunod siya sa pagdiriwang at bote-bote ang laklakin!

Normal muli ang takbo ng buhay bukas at tuloy pa rin ang mga sexy “indie” movie na mabilis tapusin underground.

Pinay beauties kung anu-anong title na lang ang iniuuwi

Naniniwala ba kayo na 10 (yes, sampu) international title will be at stake sa Miss Tourism World pageant this June? Napakaraming titulo kaya malaki ang chance ng mga contestants na mag-uwi ng isa!

Baka naman ang mga titulo lang ang global, pero ang mga magwawagi nito ay sa mga lalawigan at mga baryo sa buong Pilipinas ipapadala!

Mukhang dumarami na rin ang mga worldwide beauty contests, kaya’t ang mga Pinay beauties, panay ang pag-uuwi ng mga global titles?

Survey nakakataka!

Ayon sa mga pralala, nakalamang sa TV ratings ang GMA 7 sa ABS-CBN. Maniniwala ba kayo na mas mataas ang viewers’ percentage share ng Kambal Sirena sa Dyesebel? Mukhang matutuloy ang digmaan sa karagatan.

Bukod sa Aria, Anne may pasabog sa concert

Mahilig din palang kumanta ng mga Broadway musical hits si Anne Curtis, kaya bukod sa mga ope­ra aria, daragdagan ng mga kantang Broadway/West End ang repertoire ng Anne Kapal live concert!

Imagine na ninyo ang walang takot na performer, singing song from Phantom of the Opera, Miss Saigon, Cats at Lés M­iserables! Sana nandito sina Lea Salonga, Isay Alvares, at Jenine Desiderio sa araw ng concert ni Anne, upang lahat sila makapanood.

King of the Gil ni Enrique natahimik sa hit chart

Ang Frozen album ang No.1 sa Top Ten overall charts this week, kaya tabi muna ang OPM artists. Nasa no. 4 pa naman ang position ng Acoustic Noel ni Noel Cabangon, kaya maaari pang makabawi ang mga Pinoy next week cd ni Enrique Gil. Masorpresa kaya niya tayo sa isang linggo?

Mga pelikula ng Viva mapapanood na sa Middle East at Africa

Lumagda ng kasunduan ang Viva Communications with OSN, isang pay TV platform sa Middle East at Africa na may mahigit 50 stations.

Higit na mapapalapit sa mga Pinoy doon ang mga pelikula ng Viva Films at iba pa nilang mga TV shows sa ating mga kababayan sa nasa­bing lugar. Multi-million-dollar ang deal kaya nadagdagan na naman ang puhunan ng Viva upang gumawa ng maraming magagandang pelikula.

Salubungin ang Linggo ng Pagkabuhay na may pagpupugay sa Panginoon

Muli, kahit ano ang ating relihiyon, ipagdiwang natin ang Easter Sunday. Humarap tayong lahat sa Diyos na ibibigay ang kanyang lubos na pagmamahal sa kanyang mga nilalang.

Alam ba ninyo na ang Holy Nativity at Holy Sepulcher churches sa Holy land ay pag-aari ng tatlong relihiyon? Catholic, Eastern Orthodox, at Armenian churches.

 

 

ACOUSTIC NOEL

ANG FROZEN

ANNE CURTIS

ANNE KAPAL

KAYA

MIDDLE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with