Drew kinakawawa sa GMA
Sa kasaysayan ng Pinoy showbiz, bilang na bilang ang sumikat na mahuhusay na male TV host/emcee, tulad nina Pete Roa, Bobby Ng, Eddie Ilarde, Pepe Pimentel, Vic Sotto, Joey de Leon, Ogie Alcasid, at Michael V.
Kabilang naman sa mga bagong sibol sina Ryan Agoncillo, Luis Manzano, Vhong Navarro, Billy Crawford, at Drew Arellano.
Isa sa mga inaasahang sisikat nang husto sa laÂraÂngang ito ay si Drew. Kaya lang hindi siya nabibigÂyan ng tamang break o mga angkop na TV show. Tulad nang ginagawa niya ngayon na Biyahe ni Drew, hindi makita nang husto ang kanyang kakayahan sa pagiging TV host.
Ang ginagawa lang kasi tuwing Biyahe…, mamasyal at kumain nang kumain. Sa mga gawaing ito, kahit wala namang taÂlent puwede. Noon pa nabuburo ang talento ni Drew sa kanyang network. Baka naman hindi lang malakas doon ang bagong kasal at ang kanyang manager.
Sana magkaroon si Drew ng hahawak sa kanya, na maaaring kumbinsihin ang network sa mga kakayahan ng TV host, upang maging isa sa mga pinakasikat na TV personality.
Pagkatapos ma-renovate, Manila Cathedral lumiwanag at mas lumaki
Araw ngayon ng Visita Iglesia at pati mga sikat na artista at celebrity ay sasali sa mga grupong naglilibot sa iba’t ibang simbahan sa Kamaynilaan, upang mag-station of the cross, magrosaryo, o simpleng magdasal lang.
Tiyak na ang isa sa darayuhin ay ang bagong bukas na Manila Cathedral. Ilang taon naisara ang landmark sa lungsod para makumpuni nang husto. Ngayon higit na maluwag at maliwanag, mas maraming mga tao ang kakasya rito.
Noon, sa Manila Cathedral kami laging nag-Easter Vigil at Renewal of Baptismal Vows, tuwing Sabado ng hatinggabi, hanggang Linggo ng umaga. Ngayon tuwing Sabado ng gabi na ito ginagawa.
Very solemn kasi ang seremonya sa Cathedral at kadalasan ang Arsobispo (na Cardinal din) ng Maynila, mula kay Rufino Cardinal ang nag-officiate ng Vigil at Renewal of Baptismal Vows sa amin.
Mommy D. tumaas ang star value
Maraming mga movie/TV producers ang nakapansin kay Mommy Dionisia habang hayagang nag-pray-over sa kanyang anak na si Manny Pacquiao, habang ongoing ang laban with Timothy Bradley. Naging effective naman ang dasal ng ina para sa kanyang anak at nabawi ni Pacman ang WBO Welterweight World Championship.
Malamang na tumaas muli ang star value ni Mommy D. at naging in-demand siya sa mga TV show at pelikula. Abangan ang ‘‘return of the comeback’’ ni Mommy Dionisia!
Angeline excited maka-bonding ang pamilya
Nasa kainitan ang Holy Week vacation, na karamihan sa mga sikat na artista ay sa kani-kanilang probinsiya umuwi, upang makapiling ang mga sariling pamilya, si Angeline Quinto, excited na nakakasamang muli ang mga kamag-anak at mga kababayan.
Ang Semana Santa naman, tunay na isang pagkakataon para sa mga family reunion.
Kasalang Boots at Atty. King engrande
Classic ang style na pinili ni Maria Elisa (Boots) Anson Roa, na gawa ni Eddie Badeo, para sa kasal nila ni Francisco ‘‘King’’ RodÂrigo on June 14, at the Archbishop’s Palace, to be officiated by Luis Antonio Cardinal TagÂle.
Naging empleyado ni Boots si Badeo at ang actress ang unang nagbigay ng break upang maging designer si Eddie. ‘‘Kay Boots mismo ako deretso nagre-report. Ang bait-bait niya sa akin.’’
This was when the Anson-Roa family had a garment factory servicing big department stores.
Noong unang ikinasal si Boots with Pete Roa, simple lang dahil nagtanan sila. Ngayon gusto naman ng bride na kumpletos-recados ang kasal niya with international lawyer and former Philippine Consul-General to the USA, King Rodrigo.
- Latest