Kris kumikislap ang mata ‘pag si Herbert ang pinag-uusapan
Kasing-init ng tag-init ang balitang ilang linggo nang umaalingawngaw sa apat na sulok ng showbiz. Ito ang love news ni Bistek-Kris or Herbert Bautista at Kris Aquino na masahol pa sa kumukulong bulalo. E, hindi idini-deny ni Kris ang relasyon nila ni Mayor Herbert at higit sa lahat ay naipakilala na ng Queen of All Media ang man of her life sa kanyang pamilya nang makasalo sa isang dinner ang QC Mayor at approved sa first family sa pangunguna ni Pangulong PNoy.
Sa mga shows ni Kris, lalo na sa Aquino and Abunda Tonight. (ABS-CBN), ang saya-saya ng mukha ni Kris. Kumikislap ang mga mata lalo na kapag ang news ay tungkol sa kanyang new love.
Happy din kami for Kris dahil alam naming magiging maganda ang relasyon nila ni Mayor Herbert. Kaysa sa mga unang lalaking naging parte ng buhay niya. Feeling namin mas compatible sila at mas bagay sila, huh!
At kahit na may karelasyon na ito (Bistek) at anak na napapanood sa Goin Bulilit, pero hindi sila kasal ng ina ng mga bagets kaya puwedeng humantong sa harap ng altar ang QC Mayor at Presidential sister.
Friends ng ilang movie press people si Ms. Tates na ex-girlfriend ni Mayor Herbert (kaya ex dahil si Kris na ang current ngayon) na super bait at ma-PR. Siya bale ang Secretary-Pro-receptionist sa Mayor’s Office. Pero this time, dahil open na ang relasyon nina Mayor at Kris, medyo wala muna sa eksena si Ms. Tates.
Hay pag-ibig nga naman, masdan ang ginawa mo!
Healing Priest ng Quezon, tiyak na dadagsain
Nasa prayer week tayo, meaning kung nagdarasal tayo, mas lalo na ngayong Semana Santa o Holy Week, lalo pa natin itong dagdagan. Hindi lamang para sa sarili natin, isama na rin natin pati ang ibang tao, Kristiyano man o hindi.
Panahon din ito ng pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa atin o ‘di naman kaya sa mga pinagkasalaan natin.
Gusto naming batiin si Rev. Fr. Joey A. Faller, healing priest, at founder ng Ang Kamay ni Hesus Healing Church, na tiyak na wala na namang pahinga dahil libu-libo ang mga dumarating sa kanyang center sa Brgy. Tinamnan, Lucban, Quezon Province.
Ngayong Holy Week expected na more than 10,000 ang deboto ang darating sa simbahan.
Happy Easter to all!
- Latest