Kris – Bistek hinulaang hindi magtatagal

MANILA, Philippines - Marami ang nagko-komento, na hindi naman magtatagal sina QC Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino.

Pinakamatagal na raw ang kalahating taon.

Well, abangan natin kung tatama ang mga ‘m­anghuhulang’ walang lisensiya.

Ang sabi kasi nila, gumaganti lang si Kris sa dating asawang si James Yap na naka-jackpot sa karelasyon ngayon na Italyana.

Baguhang aktor, bida agad

Baguhan lang sa showbiz si James Matthew at introducing sa pelikulang Dota, pero malakas ang appeal. Noong nangailangan  ng bagets na ipapareha kay Joyce Ching, si James ang napiling itambal ng producer na si Marivic Cuyugan. Malaki ang tiwala ng producer sa kakayahan ni James. Magaling itong umarte at sumayaw kaya hindi nagdalawang isip ang producer na isama ito sa Dota, isang klase ng laro sa computer na kinababaliwan ng mga kabataan ngayon.

Kasalukuyan nang palabas ang Dota sa mga sinehan.                      

 

Show comments