MANILA, Philippines - Siguradong 100% Daniel Padilla ang mae-enjoy ng lahat sa Experience Daniel mobile show na eksÂklusibong mapapanood nang libre ng ABS-CBN mobile subscribers sa iWanTV application sa kanilang mga smartphone simula Abril 20 (Linggo).
Sa loob ng 30 araw tuwing 6:00 PM, mas makikilala ng fans ang Teen King ng Philippine showbiz sa pamamagitan ng iba’t ibang eksklusibo at orihinal na materyal na itatampok sa Experience Daniel mobile show, kabilang ang isang espesyal na dokumentaryo tungkol sa paglalakbay ni DJ (palayaw ni Daniel) bilang isang musikero--mula sa mga pinagdaanan niya bilang baguhang singer hanggang sa maabot na niya ang estado ng pagiging isang multiplatinum recording artist ng Star Records. May updates rin kaugnay ng mga preparasyon ni DJ para sa kanyang upcoming concert, pelikula kasama ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo, at tours sa ibang bansa.
Tampok rin sa mobile show ang livestreaming ng D.O.S. (Daniel On Stage) concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Abril 30 (Miyerkules), at behind-the-scene shots at exclusive interview habang ginagawa ang bagong album ni DJ na pinamagatang I Heart You.
Housing scam hindi pinalampas ni Mareng Winnie
HalagangP6.6 Billion Housing Scam ang ibinibintang sa Real Estate magnate na si Delfin Lee, may-ari ng Globe Asiatique (GA) Realty Holdings Corporation.
Ayon kay Darlene Marie Berberabe, presidente at CEO ng Pag-IBIG Fund, mayroon daw special agreement sa pagitan ng Pag-IBIG at ng GA. Bagay na itinanggi pareho nina Delfin Lee at dating bise presidente at noo’y housing czar, Noli de Castro.
Magkakaroon na sana ng pagkakataon si Lee na magbigay ng pahayag sa Senate hearing noong Martes, subalit hindi ito natuloy.
Ayon kay Atty. Sandy Coronel, legal counsel ng Pag-IBIG, napatunayan na nadaya ang Pag-IBIG dahil hindi naman pangalan ng mga tunay na tao ang pinalabas ng GA na nangutang ng pera sa ahensiya.
“The money of Pag-IBIG is stuck. Parang ipinabili nila sa Pag-IBIG iyong buong project nila,†ayon kay Coronel. 

Pero ayon sa abogado ni Lee na si Atty. Willy Rivera, marami nang naibayad ang GA sa utang nito. Pakiramdam daw ng kampo ni Lee, dehadong-dehado sila sa labang ito.
Pero kumbinsido raw si Atty. Coronel na manloloko si Lee. Dagdag pa niya, ang GA umano ang bukod-tanging developer na nagpasa ng “ghost borrowers.â€
“May testigo kami na empleyado ng GA na umaamin po siya na ang instruction sa kanya ni Delfin Lee ay gumawa sila ng mga fake na borrower,†sabi ni Atty. Coronel. Itinanggi naman ito ni Atty. Rivera.
Sino ang utak ng housing scam na ito? Sinu-sino ang nakinabang? Ano ang papel ng mga partido politikal sa maling paggamit ng pondo ng Pag-IBIG?
Abangan ang mainit na sagutan ng dalawang kampo sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.