Pacman inaasahang makakabawi kay Bradley!

Today is Palm Sunday, simula na ng celebration ng Holy Week. At laban din ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kay Timothy Brad­ley na gaganapin sa MGM Hotel sa Las Vegas, Nevada. Ipagdasal natin na mabawi ni Manny ang WBO welterweight title na kinuha sa kanya ni Bradley. Mapapanood ang laban na ito sa GMA 7 at 12:00 noon.

Arise ni Gary V pang world-class ang level

Congratulations kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano, for a very successful two-night concert, ang Arise GaryV 3.0 sa Araneta Coliseum last April 11 and 12. Kung akala mo ay napaka-simple ng stage, mali, dahil ang husay-husay ng co-director ni Gary, ang eldest son niyang si Paolo. Napakagaling ng lights na pumuno sa stage at sa loob ng venue,   hahanga ka talaga. 

May nagsabi pa nga na world-class ang concert, dahil alam ba ninyong non-stop ang performance ni Gary simula 9:00 p.m. hanggang sa matapos ito before midnight? Pumapasok na lamang ang kanyang mga guests at joined na sila sa pag-perform. Pumasok si Iya Villania na naka-harness at very sexy siyang nag-perform sa ere. 

Unang ka-duet at kasayaw ni Gary ang anak na si Gab, pinalakpakan naman nang husto ang duet nina Gary at Pop Princess Sarah Geronimo, na sabi ni Gary, sana raw ay makapag-guest din siya sa concert naman ni Sarah. Not to be missed ang duet ni Gary at ng protégé niya, ang AKA JAM. Kinanta pa nila ni Rico Blanco ang Babalik Ka Rin at sumayaw sila ni Sam Concepcion mula sa stage at nilibot ang kabuuan ng orchestra section. 

Touching naman ang duet nila ng bunso nilang si Kiana ng With You, which Gary composed last year, para sa wedding ni Paolo at Samantha Godi­nez. Siyempre pa, hindi mawawala ang pag-awit ni Gary ng mga theme songs at biro niya kay Mother Lily Monteverde, hindi lang daw niya gustong kumanta ng theme songs sa movies and TV, gusto rin niyang umarte.

Among the celebrities present, sina Christian Bautista at Cris Villonco na magkatambal sa musical play na Ghost sa RCBC Theater simula sa April 25; Jed Madela, Janice de Belen, Erik Santos, at ang soon to be married, sina Atty. King Rodrigo and veteran actress Boots Anson-Roa. Binati rin namin si Eloisa Matias, na siyang namahala sa production ng concert with Gina Va­lencia­no-Martinez. Kinumusta namin si Eloisa na alam nang ang gusto na­ming itanong sa kanya ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista at sagot niya agad sa amin, “Magkasama kami sa Monday (April 14) dahil ga-graduate ang el­dest namin ng high school. Magkabati naman kami ni Mayor at friends kami hang­gang ngayon.” Dalawa rin kasi ang anak nila ni Mayor Bistek na parehong lalaki.

Jennylyn bumigay na ang katawan, hindi pinalalabas ng hospital

Bago kami nanood ng concert ni Gary V, nasa news na ipinasok ng hospital si Jennylyn Mercado. Nagkaroon daw ng viral infection ang aktres kaya mataas ang fever at napakasakit ng ulo ni Jen. Hindi naman siya pinayagang ma­ka­labas agad ng hospital, kailangan pa raw ng mga tests. Natanong namin si Boots tungkol kay Jennylyn at sabi niya, pack-up nga raw ang taping nila ng Sa­­turday (kahapon) dahil may sakit si Jennylyn. Naaawa nga raw sila sa lead actress ng Rhodora X dahil mahirap talaga ang ginagampanan nitong tatlong characters sa soap kaya raw siguro bumigay na ang katawan nito.

Show comments