Jinkee bawal ma-stress, baka mapanganak na wala sa oras
Buntis ngayon si Jinkee Pacquiao, kaya sa bahay na lang siya manonood ng return bout ni Rep. Manny Pacquiao vs. Timothy Bradley.
Kabuwanan na niya kaya mahirap ang ma-stress kung manonood siya ng live sa MGM Grand, Las Vegas. Nakahanda naman si Jinkee kung anuman ang maging outcome ng laban.
Kung hindi magiging normal ang kanyang deliÂveÂry, sasailalim na siya sa caesarean section sa April 30.
Kasama ni Jinkee lahat ng Pacquiao children, na ang bibilis lumaki.
Para sa mas ‘malinis’ na mga palabas MTRCB kumuha na rin ng mga eksperto
Mga human rights expert ang lalahok sa mga workÂshops, seminars, discussions with Movie and Television Review Classification and Board (MTRCB) headed by its chair, Eugenio Villaroel. Ang Ateneo Human Rights Center ang mangaÂngasiwa upang magdaos ng mga pulong na ito, para sa mga artista filmmakers at pati na sa moviegoers.
Sa ganitong paraan, higit na mauunawaan ng mga gumagawa ng pelikula at TV show ang halaÂga na maipabatid sa lahat ang karapatang pantao, through their audio-visual attractions.
Sa lahat ng key locations magkakaroon ng mga workshops at seminars, kaya inaasahang lahat ng sector ng lipunan ay makikinabang.
Pinoy chef ng Antonio’s sa Tagaytay, wagi sa isa sa mga premyadong patimpalak
Congratulations to Pinoy Chef Tonyboy Escalante, who won the grand prize in the World Summit as 2014 Manitowoc Restaurateur of the Year. Ang sabi ng mga food critic and leading newspapers, ang napanalunan ni Escalante ay one of the best six gourmet events of the year!
Kaya tumabi-tabi ang mga biglang nagiging chef sa mga pipitsuging TV cooking show, harap lang sa kalan, maghihiwa at magsuot ng puting uniform, nag-iilusyong chef na sila!
Kylie nawalan ng dahilan para ituloy ang career!?
Opinyon ng mga showbiz insiders, kung wala palang actor-boyfriend si Kylie PaÂdilla, hindi siya mag-aartista. Obvious na si Aljur Abrenica ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang sumikat bilang TV/movie star.
Siyempre kayang-kaya ng kanyang amang si Robin Padilla na suportahan silang magkakapatid. Kahit saan niya piliing tumira, masagana ang kanilang buhay. Kaya goodbye Aljur/goodbye showbiz ang drama ng young, reluctant star.
Aljur ‘nanganganib’ sa mga Padilla
Ano naman ang magiging drama ni Aljur Abrenica? Alam naman natin na kalat ang mga miyembro ng angkang Padilla, in and out showbiz. Dapat mag-ingat siya sa kanyang mga kilos.
Meron nga bang sariling armory of weapons ang mga Padilla na bukod sa mga sikat na artista ay mga matatapang na pulitiko?
Mukhang lumiliit ang teritoryong gagalawan ni Aljur.
Season two ng The Voice of the Philippines, dapat abangan!
Sinu-sino na ang magiging judges/mentor ng second season ng The Voice of the Philippines? Effective naman sina Lea Salonga, Apl.de.ap., Bamboo, at Sarah Geronimo.
Nakikita naman ang kanilang unang produkto, and grand chamÂpion si Mitoy Yonting, na umaariba sa TV shows at live concerts.
Sa rami nang mga gustong maging singing champ, mukhang the very best muli ang magiging finalists sa The Voice of the PhiÂlippines.
Himala ang panalangin sa laban ni Pacquiao!
Pagkatapos gawin ang kanyang pitong milagro, ang pagdiriwang ng Palm Sunday ang pagpasok ni Hesukristo sa Herusalem. Ang kanyang ikapitong himala ay ang muling pagkabuhay ni Lazaro mula sa apat na araw nitong pagkamatay.
Ngayong araw ng Palaspas, hinihintay natin ang ika-walong himala, ang panalo ni Pacman kay Bradley. Sana nga.
- Latest