MANILA, Philippines - Nagkaroon ng welcome dinner party ng PLDT Home Fibr noong Lunes ng gabi sa City Club, Makati City para sa 16 countries na kalahok sa Asian Men’s Club Volleyball Championship na nagsimula kahapon sa Mall of Asia Arena.
Kasali si Richard Gomez sa koponan ng Pilipinas pero wala roon ang aktor. Birthday kasi ni Goma noong Lunes at may birthday dinner daw siya na inihanda ng misis na si Cong. Lucy Torres-Gomez kaya hindi nakasipot sa event na ’yon ang aktor.
Sa ngayon, concentrated si Goma sa Asian Men’s Club Volleyball Championship at tamang-tama na sa April 22 pa sila magri-resume ni Sharon Cuneta sa tawa-serye nila sa TV5, ang My Pirated Family.
Tatlong aktres buking sa sosyalera ang mga kasupladahan
Kahapon ay nag-lunch kami nina Ricky Lo at Jojo Gabinete kasama ang US Immigration officer na si Tim Evans sa Café Juanita sa may Bo. Kapitolyo, Pasig City.
Nakilala namin ang isang socialite friend ni Tim na may kuwento tungkol sa kasupladahan ng tatlong aktres.
Unang ikinuwento niya ang kasupladahan ng isang aktres na nakita niyang bumaba ng sasakyan sa may driveway ng St. Luke’s Global City sa Taguig City.
Naunang bumaba ng sasakyan si aktres at nginitian ito ng socialite friend ni Tim.
Sumunod na bumaba ng sasakyan ang actor-boyfriend ni aktres, na-doble ang ngiti ng socialite friend ni Tim.
Naloka lang siya nang biglang nagtaray si aktres.
“Ano’ng tinitingin-tingin mo?!†habang nakapameywang sabay turo sa socialite-friend ni Tim.
Eh katabi ng socialite friend ni Tim ang nanay nito na naka-wheelchair at sinagot daw ng matanda ang aktres.
“Eh sino ka ba? Ano’ng problema mo?! Nagagandahan lang ang anak ko sa ‘yo kaya tumingin sa ‘yo,†pambabara raw ng matanda sa aktres.
Ang actor-boyfriend na lang daw ni aktres ang nag-apologize sa babaeng tinarayan ng girlfriend at umalis din kaagad ang dalawa.
Ang second actress na supladita na ikinuwento niya ay ang mortal na kaaway naman ng unang supladitang aktres.
Ilang years na raw nangyari ang kuwentong ito. Eight years old pa lang daw ang bunsong anak ng socialite friend ni Tim.
Nasa isang restroom daw sila nang makasabay nila ang second actress na supladita.
Nilapitan daw ng anak niya ang aktres sabay pakita ng stars sa kamay ng bata. Gusto raw ng bata na magpakuha ng litrato kasama ang aktres. Very polite raw ang bata na tinawag pang “Tita†ang aktres at inialok pa rito ang isa sa dalawang chocolates na hawak.
Nagtaray daw si aktres at sinabihan ang bata ng, “Please don’t bother me. Number one, I’m not your ‘Tita’ and I have no time for this,†sabay talikod sa bata.
Mangiyak-ngiyak daw ang bata na nag-dialogue sa tumalikod na aktres ng, “You’re so bad!â€
Pangatlong aktres na supladita raw ay isang Tsinita.
Nakasama ng socialite friend ni Tim sa isang home depot sa Makati City si tsinitang aktres.
Tuwang-tuwa raw ang mga tauhan ng home depot na ’yon at nakiusap na “Puwedeng maki-selfie sa ’yo?†sa Tsinitang aktres.
Nairita raw ang Tsinitang aktres at nag-dialogue na hindi siya nagpunta roon para maki-selfie-selfie sa mga tao kundi para mamili ng mga gamit para sa condominium unit na pinare-renovate.
Sabi ko sa socialite friend ni Tim, baka mainit lang ang ulo ng tatlong aktres nang ma-encounter nila ang mga ito kaya medyo mataray ang dating.