Anak ng sikat na celeb nawindang sa kakatihan ng inang nilayasan ng asawa

MANILA, Philippines - Nawindang daw minsan ang anak ng isang non-celebrity wife na napangasawa ng isang sikat na celebrity nang umuwi siya sa bahay.

Pagdaan niya kasi sa kuwarto ng ina, narinig niyang umuungol ang madir. May kachorvahan kasi siyang ibang lalaki. That time ay kahihiwalay pa lang ng ina sa ama niya, huh!

Eh knows din kasi ng anak ang kakatihan ng ina na siyang dahilan ng pakikipaghiwalay ng ama sa ina niya. Napailing na lang ang anak na hinayaan na lang ng ina na mairaos ang kanyang kakatihan.

Yakapan nina Vhong at Vina kalat na kalat

Marunong ang staff sa ASAP last Sunday dahil si Vina Morales ang nag-interbyu kay Vhong Navarro matapos ang song and dance number para sa TV promo ng movie niyang Da Possessed. Na-grab ang photo ng yakapan ng dalawa na kapwa nagkaroon ng kaugnayan sa businessman na si Cedric Lee.

Nagkalat ngayon sa social media ang yakapan sa TV nina Vina at Vhong na mukhang noon lang nagkita matapos ang gulo kay Cedric ng ko­medyante. Natabunan agad ang third rape case na isinampa sa TV host-comedian.

Maganda nga namang tingnan na kahit kaaway ni Vhong ang dating nakarelasyon ni Vina, maayos naman ang relasyon nila ng singer-actress. Good move ang ginawa ng show upang ipakita nila sa buong mundo na walang nama­magitang problema kina Vina at Vhong despite the cases filed by the latter!

Young actress natikman ng pulitiko bago sumikat

Kept woman pala ng isang mayaman at maimpluwensiyang politician ang isang young actress bago pa man siya sumikat. Eh mahilig ang politician sa mga batang babae base na rin sa track record niya.

Pero hindi rin nagtagal ang relasyon ng da­lawa. Obvious na ang babae na ang kumalas dahil nagkakapangalan na siya. After all, natulungan na rin siya ng politician at naibigay na rin niya ang gusto nito. Eh kung ipagpapatuloy pa rin niya ang relasyon sa politician, baka makawala ’yung kasikatang inasam niya nung baguhan pa siya.

Sa ngayon ay iba na ang karelasyon ng politician at si girl naman ay may showbiz boyfriend na rin pero kanya pa ring inililihim ang lalaki.

Show comments