Kiliti ni Kris huling-huli na ni Bistek?!

Ang daming nabitin sa inilabas ng Buzz ng Bayan kahapon sa ABS-CBN dahil wala naman silang official na sinabi kung may relasyon nga sina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino, basta ipinakita lang ang kulitan ng dalawa sa isang episode ng KrisTV.

Ang dahilan ni Kuya Boy Abunda ay respeto na lang daw para kay Kris na iba pa rin nga naman kapag mismong sa TV host-actress galing ang pasabog sa bago niyang pulitikong nobyo.

Maraming ’kaaliw na comments na kung totoong nahulog daw si Kris sa magic ni Bistek na impressive, smart daw, at masarap kausap, mapaseryoso o simpleng huntahan lang, na parang walang dull moment dahil na rin sa kanyang kakengkuyan.

May nag-comment pang nakuha ni Bistek ang kiliti ni Kris na enjoy sa pagiging joker ng Quezon City mayor na talagang nagpapasaya sa kanya.

Pero meron din namang nagsasabing hindi kinakagat ang pinalalabas na bagong BF kuno ni Krissy dahil mukhang may bahid daw ito ng pulitika.

Lucy walang maaninag na mag-aartista si Juliana

Wala naman sa hitsura ni Rep. Lucy Torres-Gomez na ngaragan din daw ang beauty niya sa dami ng kanyang commitments. Para-paraan lang daw ang ginagawa niya para ma-budget niya ang kanyang schedule mula sa paghahanda ng baon ng anak nilang si Juliana sa school pati na rin ang kailangan ng mister niyang si Richard Gomez ay naaasikaso pa rin niya.

Natuto rin siyang magsabi ng “no” kapag hindi niya talaga kaya para raw ma-balance ang oras at responsibilad niya.

’Buti na lang daw napaka-supportive na asawa niya na nahahawa raw siya sa energy nito na hanggang ngayon ay may passion pa rin sa sports kahit hectic din ang trabaho nilang dalawa.

Kay Goma raw nagmana ang anak nilang si Juliana na athletic din.

“Anak talaga siya ng tatay niya dahil manang-mana pagdating sa hilig sa sports,” sabi ni Lucy na hindi raw niya makitaang mag-aartista ito ngayon dahil sobrang mahiyain at ang hilig ngayon ay football.

Hindi naman nawawala ang pagpa-pamper ni Lucy para sa kanyang sarili. Ang isa na rito ay ang swimming lessons na kumuha pa siya ng coach para ma-overcome ang takot niya. Ang beauty tips naman ni congresswoman ay never daw matulog na hindi naghihilamos ng mukha at dapat kumain ng healthy foods. Hindi naman daw kailangang ayos na ayos ang buhok kasi mas gusto niya ’yung natural ang galaw kesa sa sobrang fixed. Kailangan lang din daw na mag-abala ng konti. Lalo na ang exercise dahil kahit siya ay napapansin niya na may glowing skin siya kapag nakapagpapawis siya.

 

Show comments