^

Pang Movies

Komedyante masangsang ang amoy sa sugat na nabubulok na!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Iniiwasan ng mga kasamahan sa isang show ang baguhang komedyante. Masangsang kasi ang dalang amoy nito sa tuwing papasok sa dressing room.

Eh sa nalaman ng mga kasamahan, meron palang operasyong isinagawa sa komedyante. Hindi raw nalinis masyado ang sugat kaya nanatiling sariwa ’yon. Pero sa panlabas ay malinis naman ang dating ng komedyante.

Hanggang sa tuluyan na raw nangamoy ang sugat ng komedyante. Grabe raw ang amoy na dala nito kaya iniiwasan ng mga kasama sa dressing room ang komedyante.

May nagsabi na sa komedyante tungkol sa dala niyang amoy. Kaya naman pinagpahinga muna sa show sa programa at ayusin ang sugat na nabubulok na!               

Boots tinambakan na ng lingerie para sa honeymoon

Hindi magbabakasyon sa showbiz si Tita Boots Anson-Roa kahit after ng kasal niya. Hindi rin daw niya papalitan ng apelyidong Rodrigo ang screen name niya bilang pagsunod sa mapapangasawa.

“Si attorney (King Rodrigo) din kasi ang may sabi na huwag palitan ang surname kong Anson-Roa. Retain ko raw ‘yon. Respeto ko raw kay Pete (yumao niyang asawa). Sa mga private paper na lang.

“Sa mga invitation namin, Rodrigo-Anson-Roa (ang nakalagay),” saad ni Tita Boots nang pasyalan namin sa taping ng Rhodora X.

Delayed daw ang honeymoon nila after ng wedding. Darating daw kasi mula sa States ang mga anak niya kasama ang pamilya nila pati pamilya ng mga anak ng mapapangasawa.

Galing man sila sa Holy Land ni Atty. King, rason niya, “Hindi naman honeymoon ’yon. Magkahiwalay kami ng kuwarto. Ka-roommate ko ang kanyang sister. Parang retreat ’yon.”

Hindi ba siya bibigyan ng bridal shower ng co-stars sa Rhodora X para mabigyan siya ng lingerie na isusuot sa honeymoon?

“Hindi ko alam. Marami nang nagbigay sa akin niyan. Para namang magagamit ko. Hahaha! Biro nga ni attorney nang makita niya ’yon, ‘Hindi na kailangan ’yan!’ Hahaha!” rason ni Tita Boots.

Tom magpapaka-Hesus

Tanging si Tom Rodriguez ang binigyan muna ng GMA Network after ng matagumpay na My Husband’s Lover. Nganga muna sina Carla Abellana at Dennis Trillo sa regular na programa. Sa halip ay sa movies naman nasentro si Carla na promotions naman ng So It’s You nila ni Tom. Si Dennis naman at katatapos lang ng Lenten episode ng Eat Bulaga.

Mapapanood si Tom sa inspirational series na Niño. Ang guwaping na binatilyo na si Miguel Tanfelix ang bida pero lalabas namang batang Niño si David Remo na huling napanood sa Binoy Henyo.

Kung hindi kami mali, lalabas na Hesus si Tom sa series. Tutal naman, uso muli ang foreign religious films gaya ng Son of God at Noah. Bagay namang Hesukristo si Tom, ’di ba?

vuukle comment

BINOY HENYO

CARLA ABELLANA

DAVID REMO

DENNIS TRILLO

RHODORA X

TITA BOOTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with