Selfie video ni Gab umani ng haters pero 6M ang viewers!

MANILA, Philippines - Ibinuking ni Paolo Valenciano na mara­ming haters ang kapatid niyang si Gab Valenciano sa bansa. To think na ’yung selfie video niya na lu­ma­bas sa isang website ay merong mahigit P6M views, huh!

Kaya naman sa pag-alis ni Gab ng bansa, alam nila ng ina nilang si Angeli na roon mabibigyan ng pansin ang kapatid. Eh, ayon naman sa ama niyang si Gary, hindi kumpleto ang pamilya niya dahil nasa States ang pangalawang anak.

“Thanks to the technology because we are in contact. He’s still part of our conversation.

“But let me say this. Gab can sing. But he still holds back. Mas exposed kasi ang singing ni Paolo, ni Kiana,” saad ni Gary sa presscon ng 30th anniversary concert niyang ARISE, Gary V 3.0 sa Araneta sa April 11 and 12.

“I wanna thank my brother and my dad because they said pretty things that I couldn’t say. Seventy six percent of dislikes of my videos are from here. Dislikes and negative comments. It’s only statistics.

“But this time, I have learned to use that as fuel to better myself because a lot of what they say make sense in a way. You know, palagi na lang ganito. Why it’s always the same.

“I can use that. It’s very difficult to do your thing when you’re related to someone in the business. Whether in showbiz, politics, if you come from a family that is already there, you have to stay away from that,” rason ni Gab.

Pero ang maging anak ni Gary ay hindi sagabal sa ambisyon ni Gab na sumikat sa sariling talento.

“And imagine, buong mundo gusto siya pero hindi lahat sa sarili niyang bansa. Nakakabaliw din ’yon,” susog naman ni Paolo.

Bumalik ng bansa si Gab dahil sa concert ng ama na sasamahan din ng bunso nilang si Kiana. Ilan sa pa guests ni Gary ay sina Sarah Geronimo (April 11 only), Rico Blanco, AKA JAM, at iba pa.

Jennica Garcia pakakawalan na ng GMA

Dapat daw ilabas ni Jennica Garcia ang landi sa katawan upang magmarka siya sa showbiz. Lagi kasing ikinukumpara si Jen sa ina na si Jean Garcia na malandi ang dating at seksing-seksi pa sa edad niya kaya nagsa-suffer in comparison ang anak.

Naging maganda naman ang simula ni Jennica sa GMA 7. Nabigyan naman siya ng break sa ilang programa. Pero hindi talaga siya umaangat.

Nasa cast ng Carmela ngayon si Jennica pero may balitang hindi na ire-renew ng GMA ang kontrata niya. Pero gaya ng dating roles, wala pa ring bago sa hitsura ni Jennica.

 

                                                   

Show comments