^

Pang Movies

Common-law wife ni Bistek hindi apektado kay Kris

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Friend ni Tates Gana ang nagkuwento sa akin na magkasama sila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa graduation ng kanilang anak noong isang araw.

The who si Mama Tates? Siya lang naman ang woman behind Herbert at maraming taon na ang ibinilang ng kanilang relasyon.

Madalas na nababanggit ang name ni Mama Tates sa mga entertainment section dahil nali-link si Herbert kay Kris Aquino. Marami ang humahanga sa common-law wife ni Bistek dahil parang hindi siya affected ng mga tsismis na nagli-link kay Kris. Darling of the press si Tates dahil kaibigan ito ng maraming showbiz reporters pero never siyang nagsalita tungkol sa tsismis na ilang linggo nang pinagpipistahan ng mga mahihilig sa kontrobersiya.

Batang taga-Davao kailangan ng tulong ni Marian Rivera

Nakatanggap ako ng e-mail mula kay Neil Samonte na loyal reader ng PSN (Pilipino Star NGAYON) at PM (Pang-Masa). Admirer din si Neil ni Marian Rivera kaya ito ang naisipan niya na lapitan tungkol sa problema ng isang bagets na may karamdaman.

Heto ang e-mail ni Neil:

“Good day po, I just want to share ang isang post message po sa FB ng isang batang nagngangalang CHRISTIAN JAY VAPOR from Davao na may sakit na leuko­dystrophy na aksidente ko lang nabasa sa FB at humihingi ng tulong kay Ms. Marian Rivera bilang ambassador ng mga batang may kapansanan.

“Alam ko po na sa pagiging busy ni Ms. Marian ay imposibleng mabasa niya ang FB message kaya I deci­ded to e-mail you and other showbiz press na malapit kay Ms. Ma­rian para kayo na po ang magparating sa kanya.

 â€œAccording po sa FB post, hindi na nakakalakad ang batang ito at malapit na raw mabulag ang kanyang mga mata at kailangan ipatingin sa espesyalista sa mata sa Manila ngunit wala silang pera.

 â€œInilagay din po niya ang kanyang contact number. Maaari naman po na ma-verify ng grupo ni Ms. Marian kung gaano katotoo ang sitwasyon ng bata, at least ako, I’ve done my part para makatulong sa kanya sa pama­magitan ng ’pag e-mail po sa inyo.

“I hope personal ninyo na masabi kay Ms. Marian at mabigyan niya ng referral sa concerned  agency. Thanks. More power!”

Inilagay ni Neil ang contact number ng bagets na humihingi ng tulong mula kay Marian pero hindi ko nilagay dahil baka mabiktima siya ng mga walang puso na puwedeng magpanggap na sila si Marian.

James at Nadine nagustuhan sa simpleng kuwento

Congratulations sa cast, production crew, at producer ng Diary ng Panget dahil pinag-uusapan ang pelikula na simple ang kuwento pero pinipilahan sa takilya.

Matagal na naghintay ng malaking break sa kanilang career sina Nadine Lustre at James Reid. Natupad ang dream nila na maging stars dahil sa tiwala na ipinagkaloob sa kanila ng Viva Films.

Masuwerte sina Nadine at James dahil nagustuhan ng mo­viegoers ang kanilang launching movie. Happy ako para sa kanila, lalo na kay Nadine na nagsimula ang showbiz career bilang child star pero ngayon lang nabigyan ng big break sa pelikula.

Muling napatunayan ni Boss Vic del Rosario ang husay niya sa pag-build up ng mga future superstar. Si Boss Vic ang nasa likod ng success nina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Anne Curtis, at marami pang iba.

vuukle comment

ANNE CURTIS

BOSS VIC

KAY

MAMA TATES

MARIAN

MARIAN RIVERA

MS. MARIAN

NADINE

NEIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with