Aktres napapakanta sa climax kahit poging kapareha nadi-distract na!

Biglang bumunghalit ng awit ang isang aktres, in the middle of her real bedroom scenes. Sobra tuloy distracted ang kanyang handsome partner. Nawawala sa focus si Manoy!

Ilang ulit nang tinangka ng artista ang pigilan ang pagkanta pero higit na pumapainlalang sa ere ang kanyang tinig kapag nasa climax na. Well, wala tayong magagawa dahil she is born a singer. Baka malungkot ang kanyang kama kapag hindi narinig ang kanyang mataas na tinig!

Pinay teen singer sa Spain kasama na sa listahan ng US artists

Ang Barcelona-based, 16-year-old Pinay na si Maria Sagana ay may Sha La La. Masaya si Maria at nag-hit ang kanyang single na kasama sa listahan sina Lady Gaga, Pitbull, and Pharell Williams.

She is now being interviewed by the media and has been featured in several, magazine, radio, and TV hosts. She is slated to tour Madrid and the entire Spain to promote Sha La La further.

Daniel nag-warning sa young actor na babakod kay Kathryn

Ano kaya ang ibig sabihin ni Daniel Padilla sa babala for this fellow young actor na mag-isip muna bago ligawan si Kathryn Bernardo? Baka nga naman taken na niya ang pretty debutante at nililihim lang nila?

Promise pa ni Daniel, wala siyang ibang chick na hahangaring makamit kundi si Kathryn. Nakapinid ang bibig ng dalagita!

Tanya Montenegro nagpakasal na

Nagpakasal na sa wakas sina Tanya Monteneg­ro at Marlou Alanday with QC Mayor Herbert Bautista, QC Vice Mayor Joy Belmonte, Nadia Montenegro, Joey Marquez, Charlie ‘‘Atong’’ Ang, and Mother Ricky Reyes among the godparents.

Abay naman sina Gretchen Barretto, Mark Herras, at mga anak ni Nadia sa kasal na ginanap sa St. Vincent church in Tandang Sora, Quezon City.

2 starlets na wala pang napapatunayan magpapalit ng network

Kapag hindi napansin ang mga beauty, the next move will be to move to another network. Dalawang starlets na pawang second lead ang ibinigay na role ang sabay na magpapalit ng kanilang home network.

Of course hindi naman ipagkakatiwala sa kanila ang choicest parts in their current home channel. Wala pa silang pruwebang ipinakita at kahit sa mga special network dagsa ang mga pintas at patutsada sa kanila.

Carla mahusay magpaka-martyr

Tailormade ang personality ni Carla Abellana for martyr roles on and off cam. Ito kasi ang papel na mahusay niyang nagagampanan at nagkakamit pa siya ng acting award.

Ano naman kayang trophy ang ibibigay sa kanya ni Geoff Eigenmann?

Angel pinipintasan ng fans sa pagka-mal-edukada

Pati ang hindi pag-graduate sa college ni Angel Locsin, ipinipintas sa kanya ang mga detractor on social media. Sosyal na ang fans ngayon, gusto pa yata nila mag-masters o doctorate degree ang kanilang mga idolo!

Marami pang panahon si Angel. Bakit ba si Mother Lily Monteverde, naka-graduate pa ng college sa U.P.?

 

Show comments