We are praying na malunasan at gumaling si Lance Raymundo sa grabeng aksidente na nangyari sa kanya sa gym. Nabagsakan ang kanyang mukha ng isang 80-lb. weight kaya kailangan ng at least dalawang operasyon.
Lalo na sa kanyang ilong na tunay na na-crush ng mabigat na bakal ng barbell. Sino kaya ang sasagot sa mga gastusin sa mga disgrasyang tulad nito?
Ito pa namang si Lance, halos araw-araw na sa gym kaya’t nakakagulat kung paano pa siya naaksidente.
Enrique kasing fabulous ni Gretchen ang tingin kay Julia
Kahit sandali pa lang nakakatrabaho ni Enrique Gil si Julia Barretto sa Mirabella, to be premiered on Channel 2, pawang mga papuri ang nasasambit ng young actor sa kanyang bagong ka-love team.
Palibhasa’y nakatrabaho na ni Gil ang auntie ni Julia na si Gretchen Barretto sa The Princess and I. Hindi mapigilan ng young actor ang ikumpara ang dalawang nakasama.
“Julia is as fabulous as her Tita Gretchen in every way. Both are very beautiful and perfect dresser. They are also gifted with positive and pleasant attitude,’’ patunay ni Enrique.
Bilang Jeremy na may diperensiya sa pagtingin, iibig si Gil kay Mira na may kapintasan sa hitsura sa bagong teleseryeng Mirabella na ipalalabas na ngayong Lunes.
Mula sa Dreamscape Productions ng ABS-CBN, inaasahan magiging top rater din ito tulad ng mga palabas na Muling Buksan ang Puso at Got to Believe, na gawa ng same group of creative crew.
Young actress masayang nakipagkuwentuhan pero hindi kilala ang mga kausap
Sa isang far-flung provincial taping, masayang nakipagkuwentuhan ang young actress sa mga kasamang veteran insider tuwing break time.
Sabi pa nga ng kanyang mga nakahuntahan, “Hindi naman pala suplada tulad ng sabi ng mga maninira sa kanya.’’
Natapos na ang kanilang magdamag na trabaho at nagbabu sa isa’t isa. Shocked sila na bago maghiwalay, tinanong ng bida: ‘‘Lahat ba kayo tagarito sa probinsiyang pinag-teypingan natin?’’
Ekstra ni Vi kalahok sa SE Asian filmfest
Isa ang Ekstra ni Vilma Santos sa mga kalahok sa Southeast Asian Film Festival sa anim na Pinoy films na ipapalabas para sa competition proper.
At least hindi ito sa Bangladesh at may chance si Ate Vi na maging best actress sa isang lugar na madaling puntahan at pasyalan.
Patrick itinuturing na sperm donor lang ni Jennylyn
Payo ng mga close kay Jennylyn Mercado, huwag na siyang umasa ng sustento para sa anak ni Patrick Garcia. Tutal higit na maganda naman ang takbo ng career ng ina, ipagdasal na magkaroon naman ng maraming assignments ang tatay na aktor.
Sobra naman ang payo ng iba na ituring na isang sperm donor si Patrick Garcia. Masakit naman ito para sa tatay, lalo na nga’t kapos sa sarili niyang paÂngangailangan.
Mga atleta magkaka-pag-asa uli sa mayayamang benefactor
Two decades ago, meron ng grupong ang tawag ay BEST ni Tony Evangelista upang sumuporta sa mga Pinoy athlete na lumalaban sa Olympics at ibang worldwide contests.
Binibigyan pa nga ng malaking cash incentives ang bawat manlalarong nagwawagi sa mga sinalihang kompetisyon. Magkakaroon uli ng mga rich businessman na magbibigay suporta sa ating mga athlete. Sana matuloy.