^

Pang Movies

Young actor na guwapung-guwapo sa TV, nakakadismaya ang hitsura sa personal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dismayado ang fans sa young actor na matangkad at guwapung-guwapo sa TV dahil, sa personal, hindi siya good-looking.

Sinuwerte lang ang aktor dahil super telegenic siya kaya mas makabubuti kung lilimitahan niya ang pagpapakita sa publiko para hindi madismaya ang mga humahanga sa kanya.

Walang ipinagkaiba ang young actor sa isang sexy star na sumikat noong dekada 80.

Seksing-seksi at nagmumura ang kagandahan ng sexy star sa silver screen dahil maganda ang rehistro niya sa screen.

Sa personal, ibang-iba ang hitsura ng sexy star na napagkamalan na kasambahay ng isang TV host.

Nagpang-abot ang dalawa sa opisina ng isang movie production. Nang makita ng TV host ang sexy star, sinabi niya na ipagtimpla siya ng kape. Naloka ang TV host nang malaman nito na ang sexy star na inakala niya na kasambahay at inutusan na ipag­timpla siya ng kape ang kanyang iinterbyuhin. Hindi ko makakalimutan ang insidente dahil isa ako sa mga saksi ’no?!                                                               

Manggagamit na ugali ng aktor markado na!

Hindi ako naniniwala na sisikat pa ang aktor na nabigyan ng second chance ang career dahil nakadikit sa pangalan niya ang user-friendly image.

Nalaman ng lahat ang tunay na ugali ng aktor nang ma­sangkot siya sa isang malaking eskandalo na humantong sa korte. Nakita ang kahinaan ng aktor na magaling lang pala na manggamit ng kapwa alang-alang sa kanyang career.

Kahit anong papuri sa aktor, markado na siya dahil hindi maganda ang kanyang ugali. Ayaw ng mga Pilipino sa mga mhin na nang-iiwan sa gitna ng laban dahil ayaw niya na masangkot sa mga gulo, kesehodang siya ang dahilan ng away.                    

Karylle bonggang bride sa billboard

Sa Europe ang honeymoon nina Karylle at Yael Yuzon sa susunod na buwan. May idea na nga ako sa bahay na tutuluyan nila kung sakaling mag-decide sila na magbakasyon sa Paris, France. After all, ninang nila sa kasal si Dr. Vicki Belo, ’di ba Mama Salve?

Certified Belo Bride si Karylle na siguradong natuwa dahil biglang lumitaw sa EDSA at Timog Avenue, Quezon City ang kanyang mga billboard sa mismong araw ng kasal nila ni Yael sa San Antonio de Padua Church, Silang, Cavite.

Magandang-maganda si Karylle sa kanyang wedding gown sa billboard na may title na Belo Bride na isa sa perfect wedding na natanggap niya.

Young stars lagare na sa mall shows

Confident ang Viva Films na magugustuhan ng mga teenager at matatanda ang Diary ng Panget: The Movie dahil isa itong feel-good movie.

Sa panahon ngayon na puro negative ang mga balita na nababasa at napapanood natin, it’s a must na makapanood tayo ng mga pelikula na nakakatawa at walang pretensiyon.

Starring sa Diary ng Panget ang mga future hottest star ng local showbiz, sina Nadine Lustre, James Reid, Andre Paras, at Yassi Pressman.

Isinisingit ng apat sa shooting ng Diary ng Panget ang kanilang mga mall show. Hindi pa naipapalabas sa mga sinehan ang launching movie nila pero grabe kung pagkaguluhan sina James, Andre, Nadine, at Yassi sa kanilang mga mall tour.

Ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa stars ng Diary ng Panget ang isang basehan na potential blockbuster ang bagong pelikula ng Viva Films. May isang linggo na lang ang apat na bida para i-promote ang Diary ng Panget dahil sa April 2 na ang playdate ng movie project nila.

vuukle comment

ANDRE PARAS

BELO BRIDE

CERTIFIED BELO BRIDE

DAHIL

KARYLLE

PANGET

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with