^

Pang Movies

Bruno Mars kikilatisin ni Jessica Soho

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa na namang makabuluhang gabi ang hatid ng magkasunod na episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador ngayong Linggo, Marso 23, sa GMA 7. 

Sa pangalawang pagkakataon, magko-concert dito sa Pilipinas ang international singer na may dugong Pilipino – si Bruno Mars.

Kikilalanin ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang international singer ngayong Linggo habang nakiki-indak at nakiki-sing along sa kanyang mga pinasikat na awitin.Mahilig sa basketball, boksing, at maging football ang mga Pilipino. Pero ngayon ay tumataas na rin daw ang interes ng mga Pinoy sa volleyball. Tinanghal na kampeon ang Ateneo Lady Eagles sa katatapos lang na UAAP Season 76 Women’s Volleyball tournament; habang naging miyembro naman ng Philippine Team ng Men’s Volleyball ang binansagang Adonis ng Philippine Showbiz na si Richard Gomez.

Susundan naman ang show ni Jessica ng walang inuurungang exposé hatid ni Mike Enriquez sa Imbestigador.

Tututukan ng Imbestigador ng Bayan ang kaso ng isang babaeng diumano’y manu-mano na hinugot ang mata ng 70-anyos na kapatid niya sa ama. Sinapian daw ng masamang espiritu ang babae kaya nagawa ito sa kapatid. Matapos ikulong ang babae, pinalaya rin ito dahil sa kaniyang kalagayang pangkaisipan.

Sa tulong ng Imbestigador at espesyalista, sa unang pagkakataon, aalamin ang tunay na kalagayan ng babae. Totoo nga kayang sinaniban siya o nawala sa katinuan?  Huwag palampasin ang back-to-back episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Imbestigador ngayong Linggo ng gabi, Marso 23, pagkatapos ng Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa GMA 7.

vuukle comment

ANG TUNAY

ATENEO LADY EAGLES

BRUNO MARS

IMBESTIGADOR

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

LINGGO

MARSO

MIKE ENRIQUEZ

PEPITO MANALOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with