Walang duda na ang dapat sanang mapag-usapan nang husto para sa kanilang bagong seryeng Moon of Desire ay ang bida nilang si Meg Imperial dahil sa kanya naman iikot ang conflict sa istorya. Isa pa nga sigurong dapat pag-usapan ay si Ellen Adarna, na inaamin nilang lahat, pati na ng mga leading men sa serye na napakalakas ng attraction.
Ang Moon of Desire ay isang seryeng medyo sexy pero inilagay naman ’yan ng ABS-CBN sa kanilang afternoon drama slot. Pero palagay namin, kahit na inilagay nila iyon ng late night, hindi pa rin puwedeng asahan sa telebisyon ang mga klase ng pagpapa-sexy na nagagawa sa pelikula.
Palagay namin, tama ang kanilang diskarte na ang mas mag-promote ng nasabing show ay si JC de Vera. Hindi natin maikakaila ang lakas ng hatak ni JC. Kung sinasabi ng iba na lumamig na ang kanyang career matapos na maliliit na projects lamang ang magawa nang kung ilang taon matapos siyang umalis sa GMA, aba, eh matindi naman ang kanyang naging comeback sa serye nilang daÂlawa ni Angel Locsin.
Isa pa, comment nga ng isang kritiko, “Si JC napakaliit na tao pero napakalakas ng sex appeal. Palagay ko iyon ang lamang niya sa iba eh.†At marami ang naniniwala nang ganyan. Kaya nga sa palagay namin, ang medyo tatakbuhin ng career ni JC sa ngayon ay iyong medyo sexy na nang kaunti. After all, mature na naman siya.
Sinasabi nga nila, sa mga ginagawa niyang roles sa telebisyon ngayon, ang tatakbuhin ng kanyang career ay iyong iniidolo na sexy ang dating. Palagay namin kaya naman niya iyon.
Pork barrel money umiikot sa radyo?!
Pinag-uusapan ngayon ang sinasabing pagkatanggap ng dalawang kilalang broadcasters ng “pork barrel†money. Pero kung galing man iyon sa pork barrel, hindi na nila alam iyon. Lumalabas na ang sinasabing natanggap nila ay hindi “lagay†kundi bayad sa lehitimong advertising.
Ang mga radio station kasi, hindi naman nakakapag-suweldo iyan nang napakalaki sa mga radio announcer dahil maliit lang din ang kita nila. Para mapaÂlaki ang kita ng mga radio announcer, pinapayagan silang kumuha ng mga sponsor at kumikita sila mula sa komisyon sa mga sponsor na iyon.
Uso rin naman sa showbusiness ’yan. Maraming entertainment writers na mukhang amused din sa trabaho sa radio kaya ang ilan sa kanila ay nagpupunta sa mga maliliit na istasyon, nagsisimula ng showbiz programs at ang madalas ay sila pa ang nagbabayad sa istasyon. Block timers ang tawag diyan. Paano sila makakabayad at maitutuloy ang kanilang programa kung wala silang sponsors?
Doon naman pumapasok ang mga baguhang singer at saka iyong mga baguhang artista na gustong sumikat. Dahil may pera sila, pinapasukan nila ang mga showbiz program dahil sa paniniwalang makatutulong iyon para mapasikat sila.
Hindi iyon maituturing na “lagay†dahil lumalabas na lehitimong advertising money. Although kung minsan, may nagsasabing unfair din ang practice na iyon dahil paano naman ang walang kakayahang magbayad ng “advertising money�
Anyway, palagay namin dapat nga ring magkaroon pa ng imbestigasyon sa mga bagay na iyan para mas maliwanag at huwag namang masira ang krediblidad ng media.