Napilit ng kasamahang Jun Nardo si James Reid na ipakita ang abs nito sa grand presscon kahapon ng Ang Diary ng Panget. Isa siya sa mga bida along with Nadine Lustre, Andre Paras, and Yassi Pressman.
In fairness sa aktor, ang ganda nga ng katawan ni James ngayon. Ibang-iba noong sumali siya at manalo sa Season 3 ng Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition. Iisa nga ang komento ng lahat ng press na mas artistahin na ang dating niya ngayon kaysa noong PBB housemate pa lang siya.
At love na love ng press ang kanyang pagiging sport. Biniro nga lang ni katotong Jun na ipakita niya kung totoong maganda ang katawan niya, itinaas niya agad ang kanyang shirt nang walang kakiyeme-kiyeme.
Kaya tuloy kinantiyawan din ni kasamang Allan Diones si Andre na magpakita rin at huwag magpakabog kay James.
Pero hindi successful si Allan dahil hindi niya talaga napilit ang bagets na anak ni Benjie Paras na magpakita ng katawan. Katwiran ng young actor, hindi naman daw siya ganun ka-abs pero, at least, mas pumayat na siya ngayon dahil dati ay chubby siya.
Anyway, enjoy ang apat na bida ng Ang Diary ng Panget sa pelikula dahil bukod sa ito ang biggest break nila sa showbiz, rom-com ang tema ng pelikula kaya para lang silang naglalaro.
Sa nasabing presscon ay na-meet din namin in person ang 20-year-old writer ng Ang Diary ng Panget na si Denny. Sinulat niya ang nasabing nobela for fun sa online site na Wattpad.com when she was 14 pa lang.
Sa kasalukuyan ay nakaka-12 million hits na ang kanyang nobelang ito and sold No. 1 in the local bestseller list for weeks.
Ang Diary ng Panget ay biggest break na maituturing ng apat na bida lalo na nga si Nadine na siyang title role. The movie is directed by Andoy Ranay mula naman sa script ni Mel del Rosario.
Bong tina-target na VP si Ate VI
Pakiramdam ni Sen. Bong Revilla, Jr. ay mas lalo pa raw siyang lumakas sa mga tao ngayon matapos mangyari ang kontrobersiya sa kanya sa pork barrel scam. Sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas ay pawang pagmamahal daw ang ipinakita sa kanya ng mga tao at never niyang naramÂdaman na naniniwala ang mga ito sa ibinibintang sa kanya.
“Sa tingin ko, mas lalo pa akong lumakas ngaÂyon. Dahil, sa tingin ko, ang nararamdaman ng mga supporter ko, parang naaawa sila sa akin na, ‘Bakit ka nila ginaganyan? Mayroon tayong korte para pag-usapan ’yan, bakit tina-trial ka by publicity?’†pahayag ni Sen. Bong.
Bagama’t hindi pa decided ang aktor-pulitiko kung tatakbo ba siyang presidente sa 2016, this early ay may mga lumulutang na rin na pangalan para maging bise presidente tulad na nga lamang ni Gov. Vilma Santos-Recto. Willing ba siyang maka-tandem ito kung saka-sakali?
“Anything is possible,†maikling sagot niya.
Napag-uusapan na ba nila ito?
“Wala, wala,†sagot ni Sen. Bong na nakangiti kaya feeling namin ay mayroon ng mga pag-uusap na nagaganap.
Anyway, ang masasabi lang niya, tapos na ang panahon ng pagluha at panahon na ngayon ng pagbangon at paglaban.
“Basta importante, tumindig ka sa katotohanan at mananaig pa rin ang tama,†he said.
Sharlene at Jairus magpapakilig
Kikiligin kayo sa Kapamilya teen stars na sina Sharlene San Pedro at Jairus Aquino ngayong Sabado (Marso 22) sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents si Lulu at si Lily Liit na kanilang pinagbibidahan kasama si Francis Magundayao.
Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksiyon ni Manny Palo.