Token pang-charity ang concert, pati balak na album

MANILA, Philippines - Isa kami sa mga naimbitahang makasama ni Token Lizarez sa Bonding Kong Tsikahan with the Press sa Music21. Ito ay para sa nalalapit niyang concert na My Token of Love, gaganapin sa Teatrino Greenhills sa Sa Juan City ngayong Sabado, Marso 22, 7:30 p.m.

Ang kanyang magiging guests ay ang magagaling na baguhang singers na sina Michael Pangilinan at Prima Diva Billy. Kasama rin sa concert sina Richard Poon, Niza Limjyap, AJ Tamexa, Lee Zhazz, at special guest si German Moreno.

Ang kikitain ng concert ay mapupunta sa Yolanda survivors at binabalak din ni Token na gumawa ng album at, gaya ng kanyang concert, ang kikitain naman ay mapupunta sa kanyang charity works. Ang ganda, ’di ba?  

                                                             

Show comments