Kapansin-pansin na malaki ang ipinagbago ng mukha ng male starlet na ito nang minsang mag-guest sa isang celebrity talk show. Matagal din kasing hindi lumabas sa TV ang starlet pagkatapos matsugi ang drama series na isa siya sa cast.
Noong una ay hindi pa matukoy ng aming source kung ano ang nabago sa mukha ng male starlet hanggang sa i-Google nito ang photos noong sumasali pa lang sa isang reality contest.
Kalaunan ay nakita niya na nagpatangos pala ng ilong ang male starlet kaya nagbago ang mukha.
“In fairness sa starlet, mas gumuwapo siya noong tumangos ang ilong. Okay naman na ang mukha niya noon kaso base nga sa mga lumang photo niya, kulang sa tangos ang ilong niya. Wala itong bridge at kalat ang nostrils niya.
“At least, nagawan ng paraan dahil nag-iba ang mukha niya. Sana makatulong ang pagpapatangos ng ilong niya sa career niya, ’di ba?†puna pa ng source namin.
Nalaman din ng aming source na obsessed daw ang male starlet sa mukha ng isang sikat na drama actor. Tila ang ilong yata nito ang ipinagaya sa kanyang plastic surgeon.
“Actually, noong nag-audition ang batang ‘yan noon sa reality show, inamin naman niyang idol niya ang sikat na drama actor. Kaya siguro noong makaipon siya, ilong agad ng idol niya ang una niyang pinagaya,†imporma pa ng source.
Wish lang nila na huwag maging adik sa pagpaparetoke ang male starlet.
Tama na ’yung inayos ang ilong niya. May iba kasi, nagsimula sa ilong hanggang buong mukha na ang ipinaayos. Hindi mo na sila tuloy talaga makilala.
“Kaya sana hindi masyadong obsessed sa mukha ng kanyang idol ang male starlet na ito,†sabi pa ng aming source.
Carl hinihintay unahan ni Kris sa pag-amin sa relasyon
Wala pa ring ginagawang pag-amin si Carl Guevarra tungkol sa diumano’y relasyon nila ng Kapuso actress na si Kris Bernal.
Noong 2012 pa nagsimula ang panliligaw ni Carl kay Kris at balita ngang sinagot na siya noong nakaraang taon. Niregaluhan pa ni Carl si Kris ng isang aso bilang simbolo ng kanilang pagmamahalan.
Pero parehong tahimik sila tungkol sa kanilang relasyon kahit na may nagpapatunay na sila na nga.
Ilang beses na nga silang nakitang nagde-date at sa naging panayam pa namin kay Carl sa press conference ng indie film na Flying Kiss sa Department of Health Compound sa Sta. Cruz, Manila, sinabi nito na hinihintay niyang manggaling kay Kris ang pag-amin sa relasyon nila.
“Kailangan manggaling kay Kris. Mahirap na kasi baka kapag umamin ako bigla naman siyang mag-deny.
“Kaya mas maganda na ‘yung manggagaling ang pag-amin kay Kris. Kung ano ang sabihin niya, ’yun na ‘yon,†iwas ni Carl.
Hindi tuloy maiwasang isipin ng iba na may nagbabawal sa kanilang dalawa na aminin ang kanilang relasyon.
Si Kris kasi ay may fans na ang gusto para sa kanya ay si Aljur Abrenica kahit na meron na itong Kylie Padilla.
Si Carl naman ay wala muna sa bakuran ng GMA 7 dahil tinanggap nito ang show sa TV5 na local adaptation ng hit US series na Pretty Little Liars.
Pero nag-deny naman ang aktor na may humaharang sa pag-amin nila.
“Wala naman pong gano’n. From the start naman, wala namang nagbawal sa akin na ligawan si Kris. Kung hindi puwede, sana hindi na natin itinuloy, ’di ba?
“Tamang timing lang siguro ang hinihintay ni Kris,†sabi ni Carl.
Second indie film ni Carl ang Flying Kiss na idinirek ni Crisaldo Pablo. Isa itong advocacy film tungkol sa sakit na tuberculosis o TB.
Kasama nila sa pagpo-promote ng indie film ang Department of Health na pinapangunahan ni Dr. Enrique Tayag.
Nagsimula na ang special screening ng Flying Kiss last March 19 at aabot hanggang March 25 sa SM Megamall, SM City North EDSA, at SM Manila.
Bukod kay Carl, kasama rin sa Flying Kiss sina Winwyn Marquez, Fabio Ide, Ate Gay, Maey Bautista, at Maria Isabel Lopez.