MANILA, Philippines - Umaarte na naman daw ang isang nanay ng kilalang child star. Kasi naman inooperan ng bagong kontrata ng management ng madir. Pero umaayaw-ayaw na naman siya na ang eklat ay pagod na raw kasi ang anak niya, huh!
Eh hindi naman sinasagad sa trabaho ang bagets ng management niya. Alam nila ang regulasyon sa Labor Code pagdating sa oras ng trabaho ng bata. Istrikto sila sa mga gustong kumuha sa kanya lalo na sa mga show sa gabi.
Pumapayag talaga ang ilang producers na simulan nang maaga ang show upang hindi gabihin ang bata. Eh may ipon na rin sa trabaho ang bata pero kulang pa rin ’yon sa rami ng umaasa sa kanya.
Kaya naman kapag ayaw nang pumirma ng bagong kontrata ang nanay, hindi naman nila pipilitin. Hindi naman ang management ang mawawalan ng kita, huh!
Sen. Bong ayaw nang paapekto sa kontrobersiya
Labis na ikinalulungkot ni Sen. Bong Revilla, Jr. ang pagtira ng anak na si Inah Revilla sa Davao kasama ang asawa’t anak.
“Actually, nakakalungkot. Sabi ko nga, of all places, parang sobrang layo yata, Davao. Sabi ko, puwede ba sa puwedeng biyayehin ng kotse?
“Pero siyempre, nag-asawa na siya. Desisyon na ng asawa niya ’yon. Nang kanilang pamilya. Nalulungkot ako pero siyempre dadalaw-dalawin ko na lang siya roon. Kung tayo’y malaya pa rin. Hahaha!†pahaÂging ng senador-aktor dahil alam naman ng lahat ang kontroberÂsiya niya.
Eh kumusta naman ang father niya na apektado rin sa eskandalong ibinibitang sa kanya?
“He’s okay now. Nung birthday niya last March 8, naospital siya. Pero okay na siya ngayon.‑
“’Yun lang siyempre, iniisip niya palagi ang sitwasyon ko. Sabi ko nga, ‘Daddy, huwag mo na akong isipin. Okay lang ako! Kahit ano ang dumating sa buhay natin, nakahanda na ako.’ Anyway, dalawang taon lang naman ito eh,†saad pa niya.
Pagdating sa acting career, nakaplano siyang gumawa ng pelikula para sa festival.
“Sasali ako sa filmfest. Basta binigyan tayo ng panahon, gagawa ko. Nung nakaraang taon, naapektuhan na ’yung plano natin. Pati ’yung dapat na ako ang gaganap na Ka Eduardo (Manalo ng Iglesia ni Cristo).
“Marami na ang naapektuhan sa buhay ko. Pero sabi ko it’s high time na tumindig uli. Bumangon! At maging normal ang buhay baÂgama’t marami pa tayong haharapin pa. Basta’t tayo’y magiging mataÂtag sa anumang pagsubok na darating,†pahayag pa ni Senador Bong.