^

Pang Movies

Andrea gusto ring maging sirena at bampira

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sampung buwan ding tumagal ang sikat na fa­mily drama na Annaliza tampok ang Tween Princess ng ABS-CBN na si Andrea Brilliantes. Ayon sa business unit head na si Ruel Bayani, hindi lang nakuha ng Annaliza ang puso ng mga manonood kundi nahanap din ang susunod na tween superstar ng bansa.

Sa unang preview pa lang ng Annaliza ay humanga na agad ang writer na si Gil Soriano dahil sinabing paglaki ni Andrea ay puwede na itong ipalit kay Judy Ann Santos.

Nang matanong kung sino ang mga paborito niyang artista?

‘‘Gusto ko po sina Gerald Anderson dahil cute siya, Daniel Padilla na crush ko nun pero parang Kuya ko na ngayon at si Enrique Gil dahil magaling siyang sumayaw. Sa babae gusto ko si Anne Curtis dahil gusto ko ring maging sirena gaya niya. Gusto ko ring maging vampira at maging successful na artista balang araw,’’ sey ni Andrea.

Nag-iipon siya ng pera para makabili ng kotse. Nangungupahan lang sila ng condo pero puno na ito ng gamit. Gusto din niyang magkaroon ng sariling bahay balang araw.

Grade V na si Andrea at wala namang special treatment na  natatanggap sa mga kaeskuwela although inaming sikat na siya dahil maraming nagpapakuha ng picture kapag nakikita siya at nagpapapirma ng autograph.

Huling linggo na ng Annaliza bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

ANDREA

ANDREA BRILLIANTES

ANNALIZA

ANNE CURTIS

DANIEL PADILLA

ENRIQUE GIL

GERALD ANDERSON

GIL SORIANO

GRADE V

JUDY ANN SANTOS

PRIMETIME BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with