May isang naging pakiusap ang drama actress sa parating nakakasama niyang male celebrity sa mga show sa probinsiya. Ito ay ang huwag na lang daw siyang akbayan ni male celebrity dahil hindi niya nagugustuhan ang amoy na nanggagaling sa kili-kili nito.
Nagsimula ang reklamong ito ng drama actress sa male celebrity na may B.O. (body odor) nang minsan silang mag-show sa probinsiya. Sobrang init kasi sa resort na pinagtanghalan ng show.
Naka-sando lang si male celeb samantalang naka-white dress naman si drama actress. Umakbay nga ang lalaki sa aktres habang nag-duet sila. Pagkatapos ng kanilang duet ay may naamoy na hindi maganda si drama actress sa kanyang damit.
Kaagad niyang hinubad ang kanyang dress at inamoy niya. Mabaho ang amoy sa may balikat na pinagdampian ng kili-kili ng male celebrity.
Ayaw pa sanang mangbintang ni drama actress na may putok si male celebrity. Inisip na lang niya na baka hindi bagay ang deodorant na ginagamit nito at hindi maganda ang reaction sa pawis niya.
Pero sa mga sumunod na mga show nila ay ‘yun pa rin ang mabahong amoy na dumikit sa damit ng drama actress basta natatamaan ng kili-kili ng male celebrity.
Para makumpirma ng husto, hinintay pa ni drama actress na idampi ni male celebrity ang kili-kili nito sa isang bagay at sabay aamuyin niya. Nangyari nga ang hinihintay niya. Idinikit ng male celeb ang kanyang kili-kili sa sofa ng bahay na may taping sila.
Pagkaalis ng male celebrity ay inamoy agad ni drama actress ang sofa at mabaho nga ang amoy. Same na amoy na nasa damit niya na dinidikitan ng kili-kili ng male celebrity. Kaya confirmed ang B.O.!
Kaya sa mga sumunod na shows nila ay ni-request na ni drama actress na huwag na siyang akbayan ni male celebrity. Mag-holding hands na lang daw sila. Excuse niya ay nabibigatan ang balikat niya sa malalaking braso ng kapareha.
Okay lang naman kay male celebrity dahil parang mas sweet nga naman na holding hands sila. Hindi alam ni male celebrity na umiiwas na lang si drama actress sa kili-kili niya.
Andre nahirapang mag-adjust na magpaka-aktor
Nakapag-adjust na si Andre Paras sa buhay-showbiz at ini-enjoy na niya ang paggawa ng kanyang first movie sa ilalim ng Viva Films na Diary ng Panget: The Movie.
Sa naging panayam namin kay Andre sa location shoot ng Diary ng Panget sa Lyceum of the Philippines University sa General Trias, Cavite, masayang-masaya siya kapag nasa shooting set siya dahil ang dami raw niyang natututunan, lalo sa pagiging isang professional actor.
“Actually, it’s not different from sports. You do your best in any game and you will get good results.
“Like sa shooting namin ng movie, we all do our best. We’re like one team. If we all cooperate and do our best, we will get the best results.
“Gusto po namin iyon and we are positive that our movie will do very good because of the tremendous response we are receiving through social media and the teens who have already read the novel and fell in love with it.
“Now they are waiting for it on the big screen. We pray that we all do a very good job bringing the characters to life on the big screen,†sabi ni Andre.
Ginagampanan niya ang role na Chad. Ang ibang characters ay ginagampanan nina Nadine Lustre as Eya, Yassi Pressman as Lory, at James Reid as Cross. Sa April 2 na ito ipalalabas.
Pero inamin ni Andre na nagkaroon ng malaking adjustment sa kanya at nahirapan siya nung umpisa dahil hindi naman daw niya naging plano ang maging isang artista tulad ng kanyang parents na sina Benjie Paras at Jackie Forster.
Pero willing naman daw siyang pag-aralan lahat kung ang pagpasok niya sa showbiz ang nakatakda para sa kanya.
“I am the first to say that I’m not an actor. I love playing basketball. But if this is the path the God has set for me I should at least try, ‘di ba?â€
Dahil nga sa pagiging busy ni Andre, marami na raw siyang nami-miss out sa family activities nila. Bukod kasi sa shooting ng Diary ng Panget: The Movie, isa ring video jock si Andre for MTV Pinoy at co-host din siya ng Sunday All Stars sa GMA 7.
Nabanggit nga ni Andre na nami-miss na rin niyang makasama ang kapatid niyang si Kobe Paras. Noong mga bata raw kasi sila ay halos hindi sila mapaghiwalay. Very close silang magkapatid kaya nalulungkot siya na nabawasan ang panahon nila para sa isa’t isa.