^

Pang Movies

Kampo ni Cedric Lee nagpa-panic sa interview nina David Bunevacz at Jessica Rodriguez

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kampo ni Cedric Lee nagpa-panic sa interview nina David Bunevacz at Jessica Rodriguez.

Naalarma pala ang kampo ni Cedric Lee nang malaman nila na nagpainterbyu sa Startalk ang mag-asawang Je­ssica Rodriguez at David Bunevacz.

Si Papa Ricky Lo ang nakainterbyu sa mag­dyowa nang pumunta siya sa US noong nakaraang linggo at kahapon ipinalabas sa Startalk ang kanyang exclusive interview.

Walang dapat ipag-alala si Cedric dahil walang sinabi na masama ang mag-asawa laban sa kanya. Bago nag-panic ang kampo niya, pinanood muna sana nila ang mga pahayag nina David at Jessica na walang plano na bumalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Direk Andoy at produ hindi worried kahit ’di pa tapos ang Panget

Nakita ko na sa kahabaan ng EDSA ang mga billboard ng Diary ng Panget, ang Viva Films project na launching movie nina Andre Paras, James Reid, Nadine Lustre, at Yassi Pressman.

Hindi pa tapos ang shooting ng Diary ng Pa­nget pero sa April 2 na ang playdate ng pelikula.

Hindi naman worried ang mga produ dahil alam nila na aabot sa playdate ang youth-oriented movie na inaabangan ng mga sumubaybay at nagbasa sa libro na Diary ng Panget. Mabilis magtrabaho ang direktor na si Andoy Ranay at walang problema sa shooting dahil very cooperative ang mga estudyante ng Lyceum of the Philippines University sa General Trias, Cavite.

Matagal na nag-shooting ang bagets cast ng Diary ng Panget sa Lyceum of the Philippines University dahil dito kinunan ang halos lahat ng mga eksena.

Andre iniisnab sa eskuwelahan

Bagay na bagay kay Andre Paras ang role niya sa Diary ng Panget. Hindi nahirapan ang anak ni Benjie Paras sa pag-arte dahil true-to-life ang kanyang role, isang guwapong basketball player na popular at pinagkakaguluhan sa school.

Sa tunay na buhay, guwapo at naglalaro ng basketball si Andre pero hindi siya pinagkakaguluhan sa university na pinapasukan niya. Ordinaryong estudyante ang trato kay Andre sa school at hindi siya binibig­yan ng special treatment.

Adopted daughter ni Jose stable na ang kondisyon

Stable na ang kondisyon ng anak ni Jose Manalo na nagtangka na magpakamatay noong nakaraang Miyerkules.

Naka-confine ang 17-year-old daughter ni Jose sa isang ospital sa Pasig City. Napag-alaman ng Startalk na adopted at hindi biological daughter ni Jose ang anak na nag-attempt na tapusin ang buhay. Anak ni Annalyn sa ibang mhin ang bagets pero itinuring ito ni Jose na tunay na anak. Si Annalyn ang estranged wife ni Jose. Naghiwalay sila noong 2009.

Ikinalungkot ni Jose ang mga nangyayari sa kanyang pamilya. Nakiusap siya sa media na bigyan sila ng pamilya niya ng pagkakataon na ayusin ang problema sa pribadong paraan.

Madaling pakiusapan ang media. I’m sure, pagbibig­yan nila ang kahilingan ni Jose na ginagawa ang lahat para ma-solve ang problema. Mali naman kasi na pala­ging si Jose ang sinisisi dahil may pagkukulang din ang kanyang estranged wife.                                             

 

vuukle comment

ANDOY RANAY

ANDRE PARAS

BENJIE PARAS

DAVID BUNEVACZ

JOSE

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

PANGET

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with