MANILA, Philippines - Pinanood lahat ni Anne Curtis ang mga pelikulang nagtampok sa Dyesebel upang mabigyan niya ng kakaibang treatment ang pagganap sa sinasabi niyang iconic na sirena na likha ni Mars Ravelo. Ang kulang na lang niyang makita ay ang komiks na kinagiliwan ng mambabasa sa kuwento ng bagong character niya sa teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.
“Para mabasa ko at malaman talaga kung saan ang pinanggagalingan ng kanyang kuwento,†pahayag ni Anne sa press launch ng series na magsisimula sa Lunes, Marso 17.
“So, ang dami! Ang daming pagbabago na kailangan like swimming gracefully. All of that is a total package po. Ang gusto ko lang dito bilang bagong Dyesebel, ang daming mga aspect na makakapitan sa kanya. May awareness about sino ang… Makakaabot ulit tayo sa kabataan. Makakaabot tayo sa pamilya during summer so, it’s a great role to be portrayed. I am so honored,†saad pa ng Princess of All Media.
Grateful din si Anne dahil sa malalaking artistang kasama niya sa Dyesebel.
“Hindi ko talaga ma-express ’yung feelings ko kasi napakalaking proyekto nga nito and I am so honored mapili ako bilang Dyesebel. The one and only Dyesebel in this generation,†deklara niya.
Ilan nga sa malalaking artista na kasama ni Anne ay sina AiAi delas Alas, Albert Martinez, Gabby Concepcion, Zsa Zsa Padilla, Andi Eigenmann, Dawn Zulueta, at Eula Valdez.
Joyce binigyan ng tips para mag-improve ni Direk Joyce
Nanginginig si Joyce Ching nung magsimula siyang mag-taping para sa Paraiso Ko’y Ikaw dahil kay Direk Joyce Bernal. Pero hindi niya akalaing magiging komportable ang mararamdaman niya habang nagkakasama sila.
“Kinakabahan ako na makatrabaho siya. Si Direk Joyce kasi ang tipo ng direktor na nagdyu-joke siya pero ramdam mong seryoso talaga siya.
“So, sobrang kabado. Takot po talaga ako. ’Tapos natuwa naman po ako nang isang beses sa taping, kinausap po niya ako. Parang…kasi po wina-one by one niya kaming apat. ’Tapos nagbigay siya ng tips kung saan pa ako puwede mag-improve. Kung ano pa ang dapat kong gawin.’Yung dapat kong idagdag sa pag-arte ko,†pahayag ni Joyce nang aming makausap sa pocket interview para sa pagtatapos ng GMA drama.
Eh hindi naman ba siya nanginig nang makaeksena ang dating boyfriend na si Kristoffer Martin?
“Huh? Ay, hindi po! Sobrang chika lang ’yan. Komportableng-komportable. Dedma,†tugon niya.
Wala namang pagsisisi sa pagtanggap niya sa role niya kahit kontrabida. Ang pagkakataon na makatrabaho si Direk Joyce ang isa sa mga dahilan niya sa pagkuha ng project.
Gaya ng kasamahan niyang artista, nalulungkot si Joyce sa maagang pagtatapos ng Paraiso Ko’y Ikaw.