Richard ayaw nang tumanggap ng tatay na role?!
Usap-usapan na tinanggihan daw ni Richard Gomez ang isang offer sa kanyang teleserye kasi ang role ay tatay na siya. Palagay naman namin hindi dahil sa role iyon kaya siya tumanggi. Natural lang naman para sa isang aktor sa level na kagaya ni Goma na isiping pahabain pa ang kanyang career. Kung titingnan mo naman ang aktor, at kahit na sabihin mong totoo namang teenager na rin ang anak nila ni Congresswoman Lucy Torres, hindi naman siya mukhang tatay eh. Parang young lead actor pa rin naman ang dating ni Goma.
Kung salubungin siya at pagkaguluhan ng fans, pareho pa rin noong kanyang younger days. Nakita naming ’yan noong launching ng project ni Lucy at ng Bench na naglalayong magbigay ng bangka sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Mas pinagkakaguluhan pa si Goma kaysa sa ibang mas batang stars na naroroon.
Isa pa, tama naman si Goma, hindi baleng tatay ang role basta may istorya naman. Hindi naman tama para sa stature niya na lumabas na lang tatay na parang cameo role lamang, wala naman siyang istorya basta tatay lang siya. At saka iyon nga, mukhang hindi naman bagay na maging tatay siya ng isang 29 anyos na.
Iba pa rin ang dating ni Goma. Isipin ninyo, ngayon ay inaasahan pa niyang maida-draft siya sa national volleyball team ng Pilipinas. Iyan ay isang active sport at kailangan ang talagang sigla at lakas ng isang manlalarong nasa ganyang linya, at sinasabi nga nila na mahusay ang ipinakikita ni Goma. Malamang nga raw makasali siya sa national team.
Kung sakali, iyon na rin ang ika-apat na sport na nakasali siya sa national team. Nakasama siya sa national fencing team at nakapag-uwi pa ng mga medalya. Nakasama na rin siya sa rowing at sa shooting team ng Pilipinas. Iyon bang isang atleta na nakakalaban pa sa active sports ay masasabi mong mukhang tatay na?
Vice Ganda imposibleng pakawalan ang kauna-unahang acting award
Sinabi ni Vice Ganda na malinis daw ang konsensiya niya at hindi niya isasauli ang trophy niya bilang best actor mula sa Star Awards for Movies.
Bakit, may nagsabi ba sa kanya na isauli niya ang awards? Ni walang nagsabing binayaran niya ang award. Ang sinasabi, may naglakad para siya manalo ng award na iyon at posibleng nagkaroon din ng “lobby†para sa kanya. Hindi naman sinabing siya ang nagbigay ng “pang-lobbyâ€.
At saka kalokohang isauli niya ang award. Bakit niya gagawin eh iyon ang kaÂuÂna-unahan niyang acting award? Na-noÂminate siya sa film festival dahil din sa peÂliÂkulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy pero automatic iyon. Basta kasali ang pelikula mo sa festival, nominee ka. Bukod doon, sa Star Awards lang siya nominated at nanalo. Bakit niya isasauli, lalo na nga at kung medyo malabong masundan agad iyon dahil siyempre matatakot ang ibang award-giving body na magkaroon din ng controversy? Natural iiwas muna sila.
Talent manager 50% na ang komisyon sa alaga, ’di pa nagbabayad ng tax!
Grabe naman iyong isang talent manager, ang kinukuha pala niyang komisyon sa alaga niya ay 50 percent. Ang masakit, kalahati na nga lang ang natatanggap ng alaga niya na siyang nagpapagod nang husto sa taping, iyon pa ang nagbabayad ng kabuuang tax, samantalang ang manager na nakakuha ng kalahati, libre sa pagbabayad ng buwis.
Kunan nga ninyo ng picture ’yan habang pasan-pasan ng mga alaga niyang artista.
- Latest