Marian ayaw pumatol sa mga nega

Masayang-masaya si Marian Rivera at nagpasalamat sa pagkapili sa kanya ng may 100 branch managers ng Personal Collection nationwide para maging first celebrity brand endorser nila ng Sof&mmmmm. 

Inamin niyang kung nagkaroon man ng time na medyo nawalan siya ng ilang endorsements noon, ngayon, muli itong bumabalik. Kaya after ng grand launch sa kanya sa Luxent Hotel, sinagot niya lahat ng mga tanong, kasama nga ang mga bago niyang endorsements sa pagpasok pa lamang ng 2014.

“Ganoon naman po talaga, may mga times na meron, may times na wala. Kaya palagi ko pong tinatandaan ang payo sa akin ng mama at lola ko na may pagkakataon na very hot ka, may pagkakataon na nasa gitna ka, may pagkakataon ding may nawawala, kaya dapat i-reinvent mo ang sarili, at lagi kang maging thankful. Kaya sa mga nangyari sa buhay ko, nagpapasalamat ako na naranasan ko lahat iyon, at ngayon nararanasan ko na namang muli.”

Biniro si Marian na since ang ini-endorse niya ay concentrated fabric conditioners na nagpapalambot at nagpapabango sa mga damit, anong bahagi ng katawan ng boyfriend na si Dingdong Dantes ang malambot at mabango?  Napahalakhak pa si Marian bago niya sinabing malambot ang lips at mabango ang kili-kili ng boyfriend.

 â€œLagi kasi kaming nagbibiruan at nag-aamuyan ng kili-kili, parang lambi­ngan na namin. Kaya siguro lahat ng scent na ini-endorse ko na Eternity, Endless, at Forever, ibibigay ko sa kanya. Personal din na ako ang naglalaba ng undergarments ko at gamit ko ito.  Kaya kahit sa maghapong taping ko ng soap kong Carmela, under the sun, mabango pa rin ako from head to toe.”

Natanong din si Marian tungkol sa mga negative write-ups sa kanya.

“Masaya po ako at positibong bagay na lamang ang pinapansin ko, hindi ang mga negative issues kasi magkakakulubot ka lamang kung iyong negative issues ang papansinin mo. Marami namang choices ang tao, ako, mas gusto kong laging maging masaya at magbigay ng saya sa ibang tao.”

Sa Saturday, March 8, magkakaroon ng sabay-sabay na launch in their branches nationwide ang Sof&mmmmm.                     

Aljur at Rich hanggang Hi and Hello lang!

First time magkakatrabaho ang na-link noon na sina Aljur Abrenica at Rich Asuncion sa Kambal Sirena. “Hi! Hello!” raw lamang ang batian nila nang mag-pictorial at plug shoot sila dahil hindi naman sila magkasama sa location, sirena si Rich, tao naman si Aljur. Pero ini-enjoy ni Rich ang kanyang role dahil sa madalas na pag-aaral nila ng diving, isa na siyang licensed diver na nakatatagal na sa 60 ft. na lalim ng tubig.  Sa taping, hanggang 18 ft. siya tumatagal. Gumagamit din daw sila ng harness para maayos ang paglangoy nila at hindi mukhang sea horse dahil hindi sila gumagalaw.

 

Show comments