Aiza ibinuhos sa kanyang concert ang nararamdaman sa mapapangasawa
Isang in love na in love na Aiza Seguerra ang nagpakilala sa sarili niyang Journey of Love concert na ginanap kamakailan sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay City. Dito na na niya yata ibinuhos lahat ng hindi niya maipakita sa telebisyon.
Bawat kanta sa dalawang oras na concert niya ay punung-puno ng emosyon ang lesbian singer. Ang hahaba pa ng spiels niya bago umpisahan ang isang kanta. Open na kasi ang relasyon niya sa ex-beauty queen na si Liza Diño. At siguro dahil na rin sa pamagat mismo ng concert kaya isinasalaysay ni Aiza ang kanyang naging paglalakbay bago nag-krus muli ang landas nila ni Liza pagkatapos ng 13 years.
Iba’t ibang klase rin ng relasyon ang binanggit ng singer-actress sa Journey of Love, may tungkol sa LDR (long distance relationship), breaking up, at paghihintay.
“Ngayon ko lang po mas naintindihan ang ibig sabihin ng kantang ito,†tukoy ni Aiza sa big hit niyang Pagdating ng Panahon.
Sa pasakalye niya kasi ay naudlot sila ni Liza noon dahil sinabi raw niya sa sarili na umaasa siya na isang araw ay mapapasakanya ang minamahal niya at nangyari nga ngayon.
Kahit pala ang special guest performer niyang si Tom Rodriguez ay naging saksi sa love story niya nung ginagawa pa nila ang Be Careful with My Heart. Kaya pala ngayong lantaran na ang relasyon nina Aiza at Liza, alam na ng madla na engaged na sila, ay kilig na kilig si Tom. Siya pa ang nag-introduce sa surprise guest na fiancée ni Aiza nang maghandog ito ng isang kanta, ang How Did You Know.
Pagkatapos ng kanta ay tadtad na ng lipstick sa pisngi at labi si Aiza. Si Liza rin ang bumura nito nang umakyat siya sa stage uli para pahiran ang mga marka ng kanyang halik.
Si Martin Nievera naman, isa ring guest sa conÂcert at patok sa ginawang medley ng kanyang nagawang hit songs, ay naging bahagi pala sa paglaki ni Aiza. Siyempre bukod pa na ang ex-wife niyang si Pops Fernandez ang producer ng Journey of Love. Nabinyagan si Aiza sa concert stage noong child star pa lang nang i-guest ng Concert Queen sa kanyang concert at kantahin nila ang Butchikik. Fast forward ngayon at ito rin ang naging surprise duet nina Pops at Aiza, na “mamang-mama†na. Kinagat ng audience ang parang blues rock version ng dalawa.
Sa kabuuan ay maganda ang Journey of Love concert ni Aiza dahil sagana ang repertoire, maayos ang mahabang set, at maraming tao na malakas humiyaw at pumalakpak.
Kumpara sa napanood kong maliit at maiksing concert ng Swedish pop artist na si Melissa Horn nang mag-tour ito sa Rock City sa Namsos, Norway nung isang buwan. Ang lungkot ng melody ng mga kanta niya na wala kahit isang English song man lang. At ang audience ay napaka-pormal na pumapalakpak lang tuwing natatapos ang kanta at walang excited na napapasigaw. Wala ring nagmo-“more†sa encore at kusa na lang nag-final song ang banda ni Melissa.
Ang kaso, kung kay Melissa ay hinintay talaga ang pagtatapos ng concert niya bago naglayasan nang sabay-sabay ang mga tao, ang kay Aiza ay may pailan-ilan nang umeeskapo sa venue sa umpisa pa lang ng last song niya.
Pero magkaiba mang mag-appreciate ng performer ang Pinoy at Norwegian crowd, hindi hamak na mas magaling at masaya ang concert ni Aiza kay Melissa.
***
May ipare-rebyu?
E-mail: [email protected].
- Latest