Ewan nga ba kung bakit, naisampa na sa piskalya ang demanda at kontra demanda sa kaso nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo, hindi pa rin tumitigil ang telebisyon sa katatalakay sa kaso. Lately, pati na ang lola ni Deniece ay kinausap na. Pati pa iyong sinasabing pagiging malapit niya sa simbahan ay nabanggit pa. Maraming mga bagay na kung iisipin ay immaterial na sa kaso na napag-uusapan pa.
Walang mabuti riyan kung hindi hintayin sana natin kung ano ang ilalabas na resolusyon ng piskalya at kung ano rin naman ang kalalabasan oras na sumampa na sa korte. Anuman ang maging usapan ngayon ay hindi na mahalaga. Anuman ang opinion ng mga tao sa bagay na ’yan ay hindi na dapat pang pakinggan. Nagkaroon na ng sapat na panahon para makapagbigay ng opinion ang lahat. Ngayon ang kailangan nga sana ay mapabilis ang pag-usad ng kaso sa korte.
Isipin ninyo, sa loob lamang ng dalawang araw ay nakuha na ng National Bureau of Investigation ang sinasabi nilang mga ebidensiya, pati ang video footage sa nireÂrenÂtahang condo ni Deniece. Napag-usapan na ang mga pangyayari at nalaman na pati kung sino ang may-ari ng condo at kung paanong doon nakatira si Deniece. Lahat ng buhay noong babae napag-usapan at nakalkal na.
Doon naman sa parte ni Vhong, hindi lamang ang dating asawa niyang si Bianca Lapus ang natanong na rin kundi pati na ang iba niyang nakarelasyon.
Iyong mga itinatagong pakikipagrelasyon ng iba pang mga artista na na-link din pala kay Cedric Lee nalantad ngayong lahat.
Marami nang napag-usapan na kung tutuusin ay wala namang kinalaman sa kaso. Pero nasasabi lang siguro para makadagdag ng kredibilidad sa kung sinuman ang kinakampihan nila at masira naman kung sino ang inaÂakala nilang kalaban.
Ang masasabi lang namin, hintayin na lang ang piskalya at ang korte ang magsalita. Lumalabas tuloy napakabagal ng hustisya sa ating bansa. Napag-usapan na ang lahat pero hindi pa umaabot sa korte hanggang ngayon ang mga kaso.
Robert Lopez nagpaplano ng concert sa Pilipinas
Kung iisipin din, malaking karangalan din para sa atin ang natamong Oscars ni Robert Lopez, ang Fil-Am composer ng theme song ng Disney movie na Frozen. Bukod sa Oscars, nanalo na rin si Robert ng Grammy, Emmy, at maging ng Tony Awards. Sinasabing 12 artists lamang ang nakagawa niyan at siya lamang ang nag-iisang nanalo ng award sa loob lamang ng isang dekada.
Pero hindi nga masyadong pansin si Robert Lopez dito sa Pilipinas. Sa US, una siyang sumikat dahil sa kanilang ginawang musical na The Book of Mormon Avenue Q. Never heard dito sa atin ang musical na ’yan.
Ngayon may planong isang concert daw si Robert at ang kanyang asawa para sa Pilipinas. Hindi pa natin alam kung anong klaseng suporta ang makukuha nila mula sa mga Pilipino.
Aktor isang taong jobless, maligaya ngayon sa pa-extra-extra
Kahit na raw pa-extra-extra na lamang ang role ng isang aktor sa mga teleserye ay pasalamat na rin siya. Mahigit isang taon kasi niyang natikman na walang trabaho at walang ibang pinagkakakitaan kundi ang mga pista-pista lamang sa mga probinsiya.
Kawawa ang mga ganyang artista. Wala silang kinikita halos pero ang inaasahan ng mga tao sa kanila ay bonggang pamumuhay.